Diego Loyzaga Nagsalita Na Hindi Itinanggi Ang Pagpapalayas Niya Sa Kanyang Asawa at Anak!

Martes, Enero 9, 2024

/ by Lovely


 Naglabas ng saloobin at pahayag ang aktor na si Diego Loyzaga patungkol sa isyung ibinabato sa kanya ng kanyang dating kinakasama na si Alexis Suapengco.


Kamakailan lamang ay isiniwalat ng dating kinakasama ni Diego Loyzaga na si Alexis Suapengco sa pamamagitan ng kanyang mga social media post ang patungkol sa pagpapalayas umano ng aktor sa kanya at sa anak nito para patirahin na sa bahay ang panibagong karelasyon nito.


Bukod sa pagpapalayas sa kanya kasama ang kanilang anak, nagbanta pa umano ang aktor na hindi susuportahan ang kanilang anak sakaling isiwalat niya ang totoong ugali nito sa publiko.


Samantala, naglabas na ng pahayag si Diego Loyzaga patungkol sa balitang ito at binasag na ang kanyang pananahimik hinggil sa pagpapalayas isyu niya sa kanyang mag-iina.


Ayon sa inilabas na pahayag ni Diego Loyzaga sa kanyang Instagram stories kalakip ang naunang post ni Alexis Suapengco, hindi niya itinatanggi ang paratang ni Alexis Suapengco patungkol sa pagpapalayas niya rito kasama ang kanilang anak maliban sa naging pahayag nito na pinagbantaan niyang hindi na siya magsusustento sa bata.


Pagdidiin pa ni Diego Loyzaga na kahit pinaalis niya ang kanyang mag-ina sa kanyang bahay ay patuloy naman siyang magbibigay ng suporta para sa kanyang anak rito.


Hindi rin naman nagbigay ng pahayag ang aktor patungkol sa akusasyon ni Alexis Suapengco na kaya niya ito pinalayas sa kanyang bahay ay ititira na niya doon ang panibago niyang babae na si Cecile Mendoza, base sa itinag ni Alexis sa kanyang social media account.


Maging ang pinaghihinalaang bagong babae ni Diego Loyzaga na si Cecile Mendoza ay hindi pa rin naglalabas ng pahayag patungkol sa pagkakadawit sa kanyang pangalan sa isyu nina Diego Loyzaga at Alexis Suapengco.


Samantala, marami naman sa mga netizens ang nagsasabi na talagang nagmana si Diego Loyzaga sa ama nitong si Cesar Montano sa pagiging babaero nito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo