Shocking! Kim Chiu Inilabas Na Ang Matinding Pasabog, Hindi Mapapatawad si Xian Lim

Miyerkules, Enero 17, 2024

/ by Lovely


 Naglabas ng matinding pahayag ang aktres na si Kim Chiu kung saan inilahad niyang hindi niya mapapatawad agad-agad ang mga taong nanloko sa kanya dahil tao lamang siya na nagmamahal at nasasaktan. Kaya naman nahihirapan umano siyang makipagkaibigan muli sa mga taong nakarelasyon at nakahiwalay niya.


Sa nagdaang media conference ng Linlang the television version, naitanong kay Kim Chiu ang kanyang saloobin patungkol sa pakikipagkaibigan sa kanyang ex-partner.


Ayon kay Kim Chiu, tamang panahon lamang ang makakapagsabi kung dapat ba siyang makipagrelasyon sa kanyang ex-boyfriend. Bagama't ang naging sagot ni Kim Chiu ay batay lamang sa kanyang karakter sa kanilang seryeng Linlang kung saan  dumaan sa matinding pagsubok ang kanilang relasyon dahil sa isyu ng pagtataksil at pangloloko.


Marami pa rin ang naghinalang hugot na rin ito ng aktres na kamakailan lamang umamin sa naging hiwalayan nila ni Xian Lim. Marami pa rin kasi ang naghinala na may sangkot na third party sa naging hiwalayan ng dalawa, kaya naman marami ang nagsasabi na ang naging pahayag ni Kim Chiu sa nasabing media conference ay patungkol talaga kay Xian Lim.


Lalo na ng sinabi ng aktres na hindi kaagad niya mapapatawad ang mga taong nangloloko sa kanya dahil kailangan pa niya ng oras at acceptance. 


Subalit, naiiba naman umano ang sitwasyon sakaling magkaoon na ng anak ang mag-asawa dahil may iba nang tao na masasangkot at marami nang dapat pang i-consider.


Ang digital series na Linlang ay unang ipinalabas sa online video streaming application na PrimeVideos na pinangungunahan nina Kim Chiu, Paulo Avelino, JM De Guzman, Maricel Soriano at Kaila Estrada.


Hindi naman naging lingid sa kaalaman ng lahat na pinag-uusapan ang nasabing serye dahil sa kakaibang plot nito na nagpa-inis at nagpa-iyak sa maraming mga manonood.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo