Sikat Na Kapamilya Actress Humingi Ng Kapatawaran Sa Lahat Ng Kanyang Pagkakamali

Miyerkules, Enero 17, 2024

/ by Lovely


 Nagbalik-loob sa panginoong Diyos ang isang sikat na aktres matapos makatanggap ng matinding pambabatikos mula sa mga netizens nang maparatangan siyang third party sa hiwalayan kamakailan ng isang sikat na celebrity couple.


Matapos ang pagsali sa isang religious group ng aktres, pinayuhan umano siya ng kanilang Pastor na humingi ng kapatawaran sa lahat ng mga taong nagawan niya ng mali.


Sinunod naman umano ng aktres ang ipinayo sa kanya ng kanilang Pastor upang gumaan ang kanyang kalooban at maging kapuri-puri siya sa paningin ng Panginoon.


Nakipag-ugnayan naman ang aktres sa kapwa niya aktres upang humingi ng tawad sa kanyang pagkakamali at itama ang lahat kahit ilang taon na umano ang nakakalipas nang pumatol siya sa boyfriend ng ibang aktres na itinutring pa siyang kaibigan.


Maganda naman ang intention ng aktres na palayain niya ang kanyang sarili muli sa pagkakamali niya sa nakaraan at sa guilt na kanyang nararamdaman. Subalit, hindi nag-ugat sa maganda ang kanyang pag-amin dahil siya pa ang napagbintangang dahilan ng paghihiwalay ng mga ito at ibinunton pa sa kanya ang lahat ng sisi sa kanya.


Labis umanong nakaapekto sa aktres ang natatanggap niyang pambabatikos mula sa mga taong wala namang alam sa buong kwento at sa totoong nangyari sa pagitan nila ng lalaki.


Lalo na at nagiging personal na ang pambabatikos sa kanya at naaapektuhan na ang kanyang sarili at ang kanyang buong pamilya. Nakakatanggap na rin kasi siya ng mga pagbabanta sa kanyang kaligtasan mula sa mga fans na labis ring nasaktan sa nangyari sa pagitan ng dalawang sikat na personalidad.


Sa ngayon ay hindi na lamang umano siya nagsalita dahil baka lalo pang dumagdag sa isyu at iniasa na lamang sa panginoon ang lahat.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo