Bagong Leading Lady, Kilalang Aktres Papasok Sa Batang Quiapo!

Miyerkules, Enero 17, 2024

/ by Lovely


 Hanggang ngayon ay tila hindi pa rin matanggap ng ilang mga manonood na hindi na nila mapapanood kailanman ang karakter ni Lovi Poe sa teleseryeng Ang Batang Quiapo dahil tuluyan na siyang namaalam rito matapos ang isang taon.


Matatandaan na ginulat ni Lovi Poe ang publiko ng bigla na lamang siyang mamaalam sa kanyang karakter sa Ang Batang Quiapo, matapos ang isang taong pagiging leading lady ni Coco Martin.


Labis mang nalulungkot ang mga manonood sa naging desisyon ni Lovi Poe, naiintindihan naman siya ng marami dahil nais lamang niyang pagtuunan ng oras ang kanyang asawang si Monty Blencowe.


Bukod pa rito may nakalinyang projects umano ang aktres na gagawin ngayon taon kaya lalo siyang magiging abala sakaling hindi niya bitawan ang kanyang karakter sa Batang Quaipo.


Samantala, usap-usapan naman ngayon ang pagpasok ng bagong karakter sa teleserye na magiging panibagong leading lady ni Coco Martin. Ang gagampanan umano nitong role ay bilang panganay na anak ni Olga.


Marami naman ang naghinalang, magiging panibagong leading lady ito ni Coco Martin. Ayon pa sa ilan na marami ang magugulat sa pagpasok ng aktres sa palabas dahil hindi inaasahan ng marami ang kanyang pagsali rito.


Kung pagbabasehan ang mga kaganapan ngayon sa Ang Batang Quiapo, mahihinuhang may nakatakda ngang papasok na karakter sa Batang Quiapo dahil sa ipnakitang teaser kung saan may kausap si Olga sa kanyang cellphone na magbabalik na sa bansa.


Tanong ngayon ng marami, ito na ba ang papalit kay Lovi Poe? o isa na naman itong karakter na magpapahirap kay Tanggol.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo