Sarah Lahbati Nagsalita Na Sa Hiwalayan Nila Ni Richard Gutierrez!

Martes, Enero 23, 2024

/ by Lovely


 Hayagan ng sinagot ni Sarah Lahbati ang katanungan kung hiwalay na nga ba sila ng kanyang asawang si Richard Gutierrez matapos ang ilang buwang  pananahimik niya patungkol sa nasabing isyu. Nagbigay na rin ito ng update sa napapabalitang pagpapa-annull nila sa kasal.


Matapos ang ilang buwan pananahimik ng aktres na si Sarah Lahbati sa naging hiwalayan nila ng aktor na si Richard Gutierrez, matapang nang sinagot ni Sarah Lahbati ang patungkol sa matagal nang usap-usapan ng mga marites online.


Sa naging panayam kay Sarah Lahbati, naitanong sa kanya kung kumusta na nga ba sila ngayon ni Richard Gutierrez. Sinagot naman ito  ni Sarah Lahbati at sinabing maayos naman silang dalawa. 


Hindi naman nilinaw ng aktres kung ano ang maayos sa kanilang dalawa, kung maayos naman sila sa matapos ang kanilang paghihiwalay o kung maayos naman ang kanilang relasyon at sila parin hanggang ngayon.


Subalit, ayon sa ilang mga netizen na mas kapani-paniwala umano na ang tinutukoy ni Sarah Lahbati na maayos sa kanila ni Richard Gutierrez ay patungkol sa kanilang co-parenting set-up sa kanilang dalawang anak.


Dagdag pang pahayag ni Sarah Lahbati na grateful at feeling blessed din siya ngayon. Ito na rin umano ang oras to just work on herself.


Sinagot na rin niya ang mga naunang pasaring sa kanya ni Annabelle Rama patungkol sa pagiging maluho at nagwawaldas siya ng pera. Iginiit ni Sarah Lahbati na wala namang masama sa kanyang pamimili dahil sariling pera naman niya ang kanyang ginagamit.


Nagpasalamat rin ang aktres na si Sarah Lahbati sa kanyang smooth na pagbabalik sa showbiz matapos ang ilang taon na pamamahinga niya mula sa kanyang panganganak.


Kamakailan lamang, ibinahagi ni Sarah Lahbati ang larawan na kuha noong concert ng Coldplay. Kasama niya rito ang kanilang panganay na anak ni Richard Gutierrez dahil mahilig itong kumanta.


Samantala, may ilang mga netizens naman ang nagsasabi na baka ang tinutukoy ni Sarah Lahbati na maayos sa pagitan nila ni Richard Gutierrez ay ang kanilang annulment na napapabalitang pinoproseso na rin ngayon.


Nauna nang tinanggal ni Sarah Lahbati ang apeliyedo ni Richard Gutierrez sa kanyang social media account. Sinundan naman niya ito sa pag-unfollow sa kanyang estranged husband at ilan sa pamilya nito.


Ngayon, marami ang nakapansin na ang mga larawan nilang magkasama sa Instagram ay binura na rin ni Sarah Lahbati, tanging naiwan ay iyong kasama nila ang dalawa nilang anak.


Hindi pa rin naiiwasan ngayon ng ilang mga netizens na isipin na may kinalaman sa kanilang paghihiwalay si Annabelle Rama dahil nakikialam umano ito sa sesisyon ng mag-asawa. Marami rin ang nagsasabing mama's boy si Richard Gutierrez at mas inuunan pang pakinggan ang ina kaysa sa sakanyang asawa.


Sa kabilang banda, hanggang ay hindi pa rin naglalabas ng pahayag si Richard Gutierrez patungkol sa nasabing isyu.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo