Antonette, Nadismaya Sa Ginawa Ng Ilang Vloggers Sa Kaarawan Ni Baby Meteor

Martes, Enero 23, 2024

/ by Lovely


 Inilabas ng social media personality na si Antonette Gail Del Rosario ang kanyang pagkadismaya sa mga kapwa vlogger na inimbitahan nila para sa first birthday celebration ng kanilang anak ni Whamos Cruz na si Baby Meteor.


Viral at usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms at mga entertainment news ang isang Facebook post ni Antonette Gail Del Rosario na ngayon ay burado na.


Ipinahayag ni Antonette Gail Del Rosario ang kanyang pagkadismaya sa ilang mga bisita nilang vlogger dahil inunahan pa umano siya ng mga ito na magpost sa kaarawan ng kanilang anak ni Whamos Cruz. Gayung pailan-ilan pa lamang sa mga larawan na kuha sa nasabing okasyon ang kanyang ibinabahagi.


Ngayong January 23 pa umano ang kaarawan ng kanilang anak ni Whamos at ngayon lamang sana umano niya ipo-post ang mga videos at photos subalit inunahan na pala siya ng kanyang mga bisita.


Sa kanyang Facebook post, nanawagan si Antonette sa mga hindi niya pinangalanang vloggers na sa susunod na may event ay hayaan na muna umano na maunang mag-upload ang celebrant at huwag na muna umanong mauna bilang respeto.


Sinadya pala nina Whamos Cruz at Antonette Gail na hindi pa mag-upload dahil early celebration ang naganap na party, subalit naunahan na sila ng kanilang mga bisita.


Sa kabilang banda, hindi naman nakuha ni Antonette Gail ang simpatya ng mga netizens sa kanyang paghihimutok patungkol sa mga hindi pinangalanang vlogger na nauna pang magbahagi ng larawan kaysa sa sakanila.


Ayon sa mga netizens, sana ay nilinaw muna nina Whamos at Antonette Gail sa kanilang mga guest na bawal pang magpost ng mga pictures dahil dapat pa silang mauna.


May mga nagsasabi rin na sana ay nagpa-orientation muna si Antonette Gail bago simulan ang party kung saan sasabihin niya ang mga rules na dapat sundin ng kanilang bisita sa party ang mga tutol naman umano ay pinauwi na sana nila.


Dagdag pa ng ilang mga netizens, na dapat pala ay pina-confiscate ni Antonette Gail ang mga dalang kamera at cellphone ng kanilang mga bisita para hindi nakapagpicture at video ang mga ito sa kanilang event,


Bagama't kaagad namang binura ni Antonette Gail ang kanyang dismayadong post sa Facebook, tila nahuli na ang lahat dahil marami nang mga netizens ang nakakuha ng mga screenshot nito kung saan patuloy pa ring kumakalat ngayon sa social media. 




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo