Braso Ni Claudine Barretto Nilait Ng Ilang Netizens

Martes, Enero 23, 2024

/ by Lovely


 Umaani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens ang ibinahaging Instagram reel ng batikang aktres na si Claudine Barretto.


Sa kanyang Instagram reel, pinasalamatan ni Claudine Barretto ang kanyang jewelry at accessories sponsor. Marami naman ang nakapuna sa pagkapayat ngayong ng aktres.


May ilang mga netizens naman ang nagsasabi na nagbabalik alindog ngayon at sinadyang magpapayat upang mas lumutang ang kanyang angking kagandahan. Gayunpaman, marami naman ang nakapansin na tila lumaylay na umano ang braso ng aktres na tila nasubrahan na umano sa pagpapaliit.


Kaagad namang naglabas ng pahayag ang aktres at sinagot ang mga netizens na lumait sa kanyang braso. Sa kanyang Instagram post ipinaliwanang ng aktres ang dahilan kung bakit siya nagkaroon ng saggy arms.


Pinaalala ni Claudine Barretto sa mga netizens na lumait sa kanyang saggy arms na nabawasan siya ng 84 pounds ng hindi nagpa lipo.


Pinayuhan naman umano siya na magpa-lipo o ipatanggal ang kanyang mga excess skin dahil impossible umanong wala siyang excess sking gayung malaking timbang ang nawala sa kanya.


Inamin naman ng aktres na nagpa-lipo na siya noong matapos ang kanyang panganganak subalit ang kanyang pagpayat niya ngayon ay talagang pinaghirapan niyang maachieve.


Pinasalamatan naman ng aktres ang kanyang mga fans na hindi naging judgemental sa hitsura ngayon ng kanyang braso. 


Bumuhos naman sa comment section ng post ni Claudine ang mga mensahe ng pagsuporta mula sa kanyang mga fans at mga taong nagmamahal sa kanya.


"You don't owe them an explanation idol @claubarretto it's either saggy or what so ever you are still so beautiful and looking so gorgeous lahat ng anggulo napakaganda mo po kitang kita naman sa lovers and liars lutang na lutang ang beauty mo kahit sa mga mas bata sayo dun sa serye di papakabog ang beauty mo parang magkakaedad lang po kayo"


"Miss clau exercise Lang sa, arms tanggal Yan fats n Yan patunayan m sa knila n bblik na ang optimum star na sobrang galing sa acting at Isa sa pinakamagandang mukha sa showbiz"


May mga fans pa ang aktres na nagsasabi na hindi naman kailangan magpaliwanag ni Claudine Barretto dahil sa mata ng mga taong nagmamahal sa kanya ay maganda pa rin siya kahit mayroon siyang saggy skin.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo