Biglaang Pag-Unfollow Ni Kathryn Bernardo Kay Daniel Damay Sina Julia Barretto, Liza Soberano at Gillian Vicencio

Huwebes, Enero 11, 2024

/ by Lovely


 Inilahad na ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo na walang balikang magaganap sa pagitan sa kanila ng kanyang ex-boyfriend na si Daniel Padilla matapos niyang i-unfollow ang aktor sa kanyang social media account.


Matatandaan na marami sa kanilang mga tagahanga ang umasa na magkakabalikan pa rin ang dalawa matapos ang hiwalayan nila na inamin nila sa publiko noong November 30, 2023. Bagama't hindi naman nila isiniwalat ang totoong dahilan ng kanilang paghihiwalay naging usap-usapan sa showbiz na ang pambababae umano ni Daniel Padilla ang dahilan.


Ikinagulat ng maraming mga KathNiel fans at netizens ang tuluyang pag-unfollow ni Kathryn Bernardo kay Daniel Padilla sa kanyang Instagram account nitong gabi ng January 10, 2024.


Marami ang nagsasabi na ang ginawa ng aktres ay isa lamang indikasyon na wala na itong interes sa aktor at ayaw na niyang makita ang life updates nito.


Ang mas ipinagtataka ng mga netizens kung bakit bukod kay Daniel Padilla ay inunfollow rin ni Katres ang iba pang mga artista na sina Liza Soberano, Gillian Vicencio, at Julia Barretto.


Marami ang napapatanong kung bakit kabilang sa inunfollow ni Kathryn sina Liza at Julia, maiintindihan pa umano ang pag-unfollow ni Kathryn kay Gillian dahil sa naglabasan noong mga ulat patungkol sa naging relasyon nina Gillian at Daniel Padilla, na agad namang itinanggi ni Gillian.


Samantala, marami naman sa mga netizens ang binalikan ang pasimpleng sulyap umano ni Daniel Padilla kay Julia Barretto noong nakaraang ABS-CBN Ball.


Naging palaisipan naman sa marami kung bakit nadamay si Liza Soberano sa mga inunfollow ni Kathryn Bernardo gayung wala naman ito sa bansa ngayon at hindi rin nalilink kay Daniel Padilla noon.


Matatandaan na marami sa mga netizens ang bumilib kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla noon dahil sa pagiging malapit pa rin nila sa isa

't-isa matapos ang kanilang hiwalayan.


Marami pa ang nakapansin noon na tila hindi man lang naghiwalay ang dalawa dahil sa pagiging maalaga at sweet ni Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo sa mga okasyon na kanilang dinaluhan matapos ang pag-amin nila sa kanilang paghihiwalay.


Gayunpaman, marami sa mga nakasaksi ang nagsasabi na naaasiwa na si Kathryn Bernardo sa pangungulit ni Daniel Padilla at umiiwas na ito sa aktor.


Sa magkakasunod na pag-unfollow ni Kathryn Bernardo kina Daniel Padilla, Liza Soberano, Gillian Vicencio at Julia Barretto, marami ang napapatanong kung may kinalaman pa ang mga nasabing actress sa paghihiwalay nilang dalawa.


Marami naman sa mga tagahanga ng aktres ang pabor sa kanyang desisyon na i-unfollow na si Daniel Padilla upang maprotektahan naman ang kanyang inner peace at para maging malinaw na rin sa lahat na wala na siyang balak pa na makipagbalikan rito.


Sa ngayon ay hindi pa naman nagbibigay ng opisyal na pahayag si Kathryn Bernardo patungkol sa mga kapwa celebrity na kanyang inalis sa kanyang following list sa Instagram.





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo