Sanib Pwersa! TV Host Aktres Makakabalik Na Abs Cbn!

Lunes, Enero 29, 2024

/ by Lovely


 Umaani ngayon ng samu't-saring reaksyon sa social media platform na X, dating Twitter, ang balitang may magbabalik sa ABS-CBN.


Mula sa isang post sa nasabing social media platform, napansing ng mga netizens ang ibinahaging logo ng ABS-CBN na may blurred shadow ng isang TV network na pinaghihinalaang ang AllTV na pagmamay-ari ni Manny Villar.


Marami ang napapatanong kung may magaganap nga collaboration sa pagitan ng ABS-CBN at ng AllTv o makikipag-block time na rin sa ALLTV ang ABS-CBN.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na ang makikita lamang ngayon sa ALLTV bukod sa Mhies on a Mission at Kuha All wala na silang ibang original programs bukod sa mga movie blocks, lumang asian novela at mga lumang teleserye ng ABS-CBN.


Marami rin ang naghinalang may magaganap na 50-50 partnership sa pagitan ng dalawang network base na rin sa ibinahagi nilang caption sa Twitter post.


Lahat umano ay magsasaya dahil may magbabalik tahanan ngayong 2024 at lalong lalawak ang pagsasamahan ng mga Kapamilya fans. May mga nagbahagi pa ng logo ng AllTv at tag line nilang Saya All.


Kung sakali mang totoo ang mga usap-usapan, magbabalik na sa dating frequency ang ABS-CBN kahit pa hindi na lamang sila ang nagmamay-ari ng frequency.


Marami naman ang nagsasabi na talagang kailangan ng ALLTV ang mga contents ng ABS-CBN upang magkaroon sila ng ratings at pasukin na rin ng mga advertisers.


Samantala, hindi rin nagustuhan ng ilang mga netizens ang posibilidad na muling makabalik sa ABS-CBN ang aktres host na si Toni Gonzaga matapos ang ginawa umano nitong pagtraydor sa network nang kampihan nito ang partido ng mga taong naging dahilan ng pagkaka-deny ng franchise renewal ng ABS-CBN.





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo