Ilang Negosyo Ni Daniel Padilla Magsasara Na, Pambayad Ng Utang Ni Karla Estrada

Lunes, Enero 29, 2024

/ by Lovely

Tila hindi pa rin natatapos ang mga isyung kinakaharap ngayon ng Kapamilya actor na si Daniel Padilla magmula nang kinumpirma niyang hiwalay na sila ni Kathryn Bernardo.


May mga lumabas na ulat na umano'y kinukuha na umano ni Kathryn Bernardo ang lahat ng kanyang shares sa mga negosyo ni Daniel Padilla at maging sa mga ari-arian na naipundar nilang dalawa.


Tila nakumpirma naman ang isyung ito nang lumabas ang isyung bibibenta na ni Daniel Padilla ang kanyang kauna-unahang sportscar. May mga nagsasabi rin na kalahati ng perang ipinambili rito noon ni Daniel Padilla ay mula kay Kathryn Bernardo.


Lalo pang umingay ang isyu nang lumabas naman ang balitang ibinibenta na nila ang kanilang unang bahay na naipundar sa Quezon City at mismong si Karla Estrada pa ang nagpost na for sale na ito sa halagang 50 million pesos.


May mga naglabasan namang ulat na umano'y may malaking pagkakautang si Karla Estrada kay Kathryn Bernardo na kung susumahin ang lahat ay aabot sa mahigit 20 million pesos.


Pinabulaanan naman ito ng mga kaibigan ni Karla Estrada at iginiit nilang matagal nang binabalak nina Karla Estrada na ipagbili ang nasabing bahay dahil balak nilang lumipat sa ibang lugar.


Iginiit pa ng isang kaibigan na imposibleng naghihirap na ang pamilya ni Karla Estrada dahil kilalang mayaman ang kanilang angkan at mas malaki umano ang lilipatang bahay ng pamilya ni Daniel Padilla sa ibang lugar.


Gayunpaman, hindi matapos-tapos ang isyu dahil may mga naglabasang ulat na maging ang ilang negosyong pinagmamay-ari ni Daniel Padilla ay magsasara na rin o di kaya naman ay ibinibenta ng aktor.


Marami ang nagpapatanong kung magtatayo nga ba ng panibagong line of business ang aktor at nangangailan ito ng malaking kapital para makapagsimula.


May mga nagsasabi namang paraan lamang ito ng aktor para makapagsimula muli nang wala na si Kathryn Bernardo sa lahat ng bagay dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na nakasama na ni Daniel Padilla sa mga negosyo at bahay na naipundar si Kathryn Bernado.


Paraan lamang umano ito ng aktor upang makalimutan na niya ang mga nakaraan ng aktres na sinimulan nito sa pagbibenta ng kotseng sabay nilang pinangarap at nakamtan noon ng dalaga.


Sa kabilang banda, patuloy naman ang pananahimik ni Daniel Padilla kung saan ni isa sa mga isyung ibinabato sa kanya ay pinapalampas lamang. Hindi niya inaamin o pinabubulaanan ang lahat, patuloy lamang siya sa kanyang career na tila ba walang nangyari sa pagitan nila ni Kathryn Bernardo.



 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo