Sarah Lahbati Pinatulan at May Patama Sa Nagsasabi Na Gastadora Siya

Lunes, Enero 29, 2024

/ by Lovely


 Pinatulang ng actress na si Sarah Lahbati ang ibinibintang ng ilang mga netizens at ng kanyang manugang na si Annabelle Rama patungkol sa kanyang pagiging gastadora.


Hindi na nakatiis ang aktres na si Sarah Lahbati sa mga batikos na ibinabato sa kanya ng mga netizens na naniniwala sa pahayag ni Annabelle Rama patungkol sa kanyang pagiging gastadora.


Sinakyan na lamang ito ni Sarah Lahbati sa kanyang latest Instagram stories, kung saan ibinahagi niya ang isang art card na nagsasabing masama ang kanyang pakiramdam kaya feel niyang gumastos.


Ayon sa ilang mga netizens, patama umano ito ng aktres sa mga pumupuna sa kanya na isa siyang gastadora at waldasera ng pera.


Matantandaan na naunang pumuna sa kanya bilang gastadora ay ang mismong mother-in-law na si Annabelle Rama, pinaniwalaan naman ito ng ilang mga netizens dahil makikita naman umano sa mga ibinabahaging larawan ni Sarah Lahbati sa kanyang social media account kung gaano ito ka high maintenance.


Makikita pang bumibili ito ng mga mamahaling sasakyan at kung ano-ano pa, kaya naman tinatawag na ito ng marami bilang Patron Saint ng mga Waldasera at Gastadora.


Sa gitna naman ng pambabatikos na ito kay Sarah Lahbati ay tinatawanan na lamang niya ang lahat dahil alam naman umano niya kung kaninong pera ang winawaldas niya at kung saan ito napupunta.


Naniniwala rin umano si Sarah Lahbati na hindi na niya kailangan pang maglabas ng paliwanag upang linawin ang kanyang side. Hindi na rin umano kailangan na ipaalam sa lahat kung bakit siya gumagastos at namimili ng kung ano-ano dahil hindi naman niya ninakaw ang perang ipinambili niya.


Naglabas pa ng payo si Sarah Lahbati sa lahat ng mga nagnanais na magwaldas ng pera na ayon sa kanya ay go ahead lamang basta't sariling pera umano ang ginagastos.


Tinawanan na lamang rin ni Sarah Lahbati ang mga patutsada sa kanya ni Annabelle Rama patungkol sa mga perang pinaggagastos niya na umano'y mula sa pagtatrabaho ni Richard Gutierrez.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo