Resulta Ng Dna Test! Sino Ang Hindi Tunay Na Anak Ni Richard Kay Sarah Lahbati?

Huwebes, Enero 4, 2024

/ by Lovely


 Ina ng aktres na si Sarah Lahbati, sumagot sa mga komento ng mga netizens patungkol sa pagpapa-DNA Test ng mga Gutierrez sa isa sa mga anak nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez.


Tila hindi na nagpapapigil pa si Esther Lahbati, ina ni Sarah Lahbati, hinggil sa mga akusasyon ng mga Gutierrez laban sa kanyang anak. Sa Instagram post ni Sarah Lahbati kung saan ibinahagi nito ang isang throwback photo kung saan makikita ang kanyang kabataan , na kamukha ng kanilang bunsong anak ni Richard Gutierrez.


Sa comment section, tila kinumpirma ng ina ni Sarah Lahbati ang usap-usapan na nagdududa umano itong si Richard Gutierrez at ang pamilya nito kung totoong anak ba ng aktor ang bata dahil hindi naman umano nila ito kamukha.


Sa nasabing sagutan, inilahad ni Esther na baka mapahiya lamang ang mga Gutierrez sakaling lumabas sa resulta na totoong anak ng aktor ang bata. Ipinunto din ni Esther kung gaano kaseloso ni Richard Gutierrez na umabot sa puntong hindi ito pumapayag na lumabas ang aktres nang walang kasamang bodyguards.


Nakakalabas lamang umano ito kung sila ang kasama, subalit nagdududa pa rin itong may ibang kinakatagpo si Sarah at pinagdudahan pa ang kanilang anak.


May mga netizens naman na sumang-ayon sa naging pahayag na ito ni Esther dahil hindi naman umano tama pagdudahan pa nina Richard maging ang anak nila ni Sarah Lahbati dahil lamang sa hindi nila pagkakaunawaang magpamilya.


Sa kabilang banda, ayon sa inilabas na balita mula sa isang mapagkakatiwalaang source, wala naman umanong katotohanan na pinaDNA test ng mga Gutierrez ang bunsong anak nina Richard at Sarah Lahbati.


Hindi umano ito kabilang sa mga naging dahilan kung bakit naghiwalay ang mag-asawa. Ipinagdiinan pa nila kung gaano nila nakikita ang pagmamahal ng mga Gutierrez sa dalawang bata.


Matatandaan na nagsimulang kumalat ang mga bali-balitang naghiwalay na sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez nang mapansin ng mga netizens at mga tagahanga ng dalawa na hindi na sila nagkakasama sa mga pictures.


Tila nakumpirma naman ito nang maglabas ng pahayag si Annabelle Rama kung saan sinabi niya na sa kanya na muna umuuwi si Richard Gutierrez at wala siyang oras na kausapin si Sarah Lahbati.


Nagpasaring pa ang ina, kung gaano kawaldas sa pera si Sarah Lahbati habang nagtatrabaho naman ang kanyang anak na si Richard Gutierrez.


Sa kabila nito, patuloy pa rin namang nananahimik sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez sa isyu kahit pa tila nagkakagulo na ang mga magulang sa palitan nila ng pasaring sa isa't-isa.


Hiling naman ng kanilang mga tagahanga na sana ay malampasan ng mag-asawa ang pagsubok na ito sa kanilang relasyon at muling maayos ang kanilang pagsasama.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo