Paolo Contis Napahiya Sa Sinabi! Magre-Resign Na Sa Tahanang Pinakamasaya?

Martes, Enero 9, 2024

/ by Lovely


 Tila napi-pressure umano ngayon ang Tahanang Pinakamasaya host na si Paolo Contis ayon sa veteran showbiz columnist na si Manay Lolit Solis at talent manager ng actor-host.


Napi-pressure na umano itong si Paolo Contis sa pag-aagawan ng TVJ at TAPE Inc. sa titulo ng Eat Bulaga. Gayunpaman, kahit ano umano ang ipapalit na pamagat sa show ay nakatatak na umano rito ang Eat Bulaga.


Ayon pa kay Lolit Solis, malaki na umano ang nagawa ng noontime show kay Paolo Contis. Naging malakas umano ang energy nito, nagkaruon ng disiplina na gumising ng maaga, at naging financially very stable na rin dahil sa additional income na nakukuha niya mula sa show. 


Samantala, may mga haka-haka naman na magbabakasyon umano muna ang aktor-host dahil sa nararanasan nitong stress at pressure. May mga nagsasabi pa na baka ay tuluyan na umanong mag-resign si Paolo Contis dahil na rin sa pang-iintriga sa kanya.


Matatandaan na noon pa mang pinalitan ni Paolo Contis ang TVJ sa pagiging main host ng show ng TAPE Inc. na noo'y Eat Bulaga pa ang pamagat ay nakakatanggap na ng pambabatikos si Paolo Contis at ang mga kasamahan nito.


Kahit napalitan na ang pamagat ng kanilang show ay tila hindi pa rin nawawala ang pambabatikos lalo na kay Paolo Contis dahil tila napahiya umano ito sa pagiging mayabang nito sa TVJ subalit sa huli ay sila pa rin naman ang natalo.





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo