Lumabas Na Ang Totoo! Tunay Na Dahilan Ng Pagkatsugi Ni Lovi Poe Sa Batang Quiapo

Martes, Enero 9, 2024

/ by Lovely


 Kamakailan lamang ay naging malaking usapin sa ilang mga social media platforms ang pamamaalam ng karakter ni Lovi Poe bilang Mokang sa teleseryeng Ang Batang Quiapo.


Sa isang episode ng nasabing teleserye napanood ang pagsalo ni Mokang, karakter ni Lovi Poe, sa bala na para sana kay Tanggol, karakter naman ni Coco Martin.


Marami naman ang umasa na baka ay mabubuhay pa rin si Mokang matapos ang lahat, subalit kinabukasan ay naglabas na ng mensahe ng pamamaalam si Lovi Poe sa kanyang karakter sa nasabing teleserye.


Samantala, sa kamakailang episode ng Ogie Diaz Showbiz Update, tinalakay nila ang patungkol sa naging desisyon ni Lovi Poe na iwan ang teleserye.


Ayon umano sa nakarating sa kanyang mga ulat, nais na umano ni Lovi Poe na unahin ang pagpaplano nila ni Monty sa kanilang future. Nais umano ng aktres na mabigyan naman ng oras ang kanyang asawa ngayong kakakasal pa lamang nilang dalawa.


Kung si Ogie Diaz naman umano ang tatanungin ay valid naman umano para sa kanya ang desisyon na ito ni Lovi Poe dahil maari pa naman umano siyang makagawa ng mga teleserye sa susunod pang pagkakataon.


Matatandaan na pansamantala ring nawala noon ang karakter ni Lovi Poe sa Batang Quiapo nang magpunta sa ibang bansa ang aktres para sa pagpapakasal sa kanyang longtime boyfriend na si Monty Blencowi.


Inamin naman ni Lovi Poe na naging mahirap sa kanya ang pagdedesisyon na iwan ang teleserye na minahal na rin niya subalit kailangan niya umano itong gawin para naman sa kanyang sarili.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo