Nangyari Sa Lola Ni Robi Domingo Sa Araw Ng Kasal Niya Kay Maiqui Pineda

Martes, Enero 9, 2024

/ by Lovely


 Malungkot na ibinalita ng actor-host na si Robi Domingo na namaalam na ng tuluyan ang kanyang lola sa araw mismo ng kasal nila ni Maiqui Pineda.


Ayon sa ma naging ulat, napag-alaman umano ni Robi Domingo ang malungkot na balita matapos lamang ang ceremony ng kasal nila ni Maiqui Pineda. Hinayaan na muna umano ng kanyang pamilya na i-enjoy ni Robi Domingo ang kanilang kasal ni Maiqui bago nila sabihin ang malungkot na balita.


Ayon sa naging pagbabahagi ni Robi, masayang-masaya umano siya  noong January 6 mula sa paghahanda sa kanilang pag-iisahang dibdib ni Maiqui. Masayang-masaya umano siya mula umaga, hanggang sa seremonya at maging sa reception ng kanilang kasal.


Nang paalis na umano siya sa venue ay doon na inamin ng kanyang ina ang nangyari sa kanyang lola noong umaga pa lamang ng January 6. Hindi umano pinaalam ng mga ito sa kanya ang balita dahil ayaw nilang masira ang dapat masaya nilang moment ni Maiqui.


Binalikan pa ni Robi sa kanyang post ang hindi niya malilimutang moment kasama ang kanyang 'ina', kabilang na ang ube halaya nito ang leche flan.


Hiling na lamang niya na maging guardian angel nilang magpamilya ang kanyang 'ina' from above. Nagpasalamat din siya sa pag-aalaga nito sa kanya noon.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo