Netizens, May Napansin Sa Bagong Post Ni Andrea Brillantes!

Martes, Enero 30, 2024

/ by Lovely

Kaagad na nag-viral sa ilang mga social media platforms at naging usap-usapan online ang larawan ng Kapamilya actress na si Andrea Brillantes na kamakailan lamang ay ibinahagi niya sa kanyang social media account bilang kanyang OOTD.


Sa kanyang OOTD, makikita ang pagsusuot niya ng brown jacket na pinaresan niya ng loose pants at rubber shoes. Kasama rin sa kanyang look ang vintage looking sunglasses, white cap at headphones.


Marami sa mga netizens ang hindi kaagad na nakilala ang aktres at marami pa ang unang naghinala na ang si Kyle Echarri ito dahil sa kanyang pormahan.


May mga pumuri rin sa aktres dahil talagang bumabagay rito ang anumang isinuot niya dala na rin ng kanyang kagandahan.


Samantala, tila nag-eenjoy naman ngayon ang aktres sa pagiging solo artist at ini-enjoy lamang ang mga proyektong ibinibigay sa kanya ngayon ng ABS-CBN.


Hindi naman maitatanggi na isa si Andrea Brillantes sa magagaling na aktres sa kanilang henerasyon ngayon kaya naman kahit na marami itong bashers at nakakatanggap ng pambabatikos ay patuloy pa rin ang pagsikat nito.


Kamakailan lamang, ay idinawit pa ng ilang mga netizens sa hiwalayan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang pangalan ni Andrea Brillantes, subalit tila unbothered pa rin ang aktres.


Naging usap-usapan pa noon ang pag-unfollow sa kanya ni Kathryn Bernardo sa Instagram account, subalit nanatiling tahimik ang aktres at inunfollow na lamang rin si Kathryn Bernardo.


Hindi rin siya naglalabas ng anumang pahayag si Andrea Brillantes patungkol sa pagkakadamay niya sa isyu kung saan siya ang itinuturong babae na palihim na kinakatagpo ni Daneil Padilla.


Harap-harapan pa niyang sinabi na maayos sila ni Kathryn Bernardo sa kabila ng mga isyung nakakapalibot sa kanilang dalawa.


Sa kabilang banda, ipinahayag naman ni Andrea Brillantes na masaya siya ngayong isa na siyang solo artist dahil maari na umano siyang itambal sa iba't-ibang artista at hindi lamang matatali sa iisa.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo