Black Rider Ng GMA-7 Delayed Ang Bayad Sa Mga Stuntman

Martes, Enero 30, 2024

/ by Lovely


 Nakakatanggap ngayon ng pang-iintriga ang Kapuso teleserye na Black Rider na pinangungunahan ni Ruru Madrid dahil sa pagrereklamo ng isang stunt man patungkol sa kanilang talent fee.


Sa isang Facebook post ng GMA Public Affairs may nagpakilalang stunt man na nagkomento kung saan hinihiling niya na sana ay mabayaran na ng nasabing action series ang kanilang talent fee na matagal na umanong delayed.


Hiling ng nasabing stunt man na sana ay mabayaran na ang kanilang serbisyo, mula August hanggang October umano noong nagdaang taon pa sila nagtaping subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin nababayaran ang kanilang talent fee.


Hiniling din nito na sana ay mabigyan na ng aksyon ng pamunuan ng programa ang kanilang problema dahil matagal na panahon na rin ang lumipas.


Kaagad naman itong nakakuha sa pansin ng mga netizens at marami ang nakisimpatya sa sinapit ng stunt man. Ipinunto pa ng ilang mga netizens na isa sa mga dahilan kung bakit gumaganda ang mga action series ay dahil sa mga stunt man na gumagawa ng mga action na hindi kayang gawin ng mga bidang aktor.


Ipinunto pa ng ilan na mga artista rin ang mga stuntman kaya naman dapat lamang silang tratuhin katulad sa pagtrato sa mga bida at sikat na aktor.


Marami rin ang nagtatanong kung bakit na delay ng tatlong buwan ang sahod ng mga ito gayung hindi naman ito kalakihan na kagaya ng mga nakukuha ng mga bidang artista.


Humihiling ngayon ng tulong ang ilang mga concerned netizens na sana ay masulosyunan na kaagad ang mga hinaing ng stunt man dahil sa hirap ng buhay ngayon maski isang piso ay kailangan na umanong tipirin.


Samantala, wala pang inilalabas na anumang pahayag ang pamunuan ng GMA Public Affairs at ang GMA Network hinggil sa nasabing hinaing ng isang stuntman. Gayunpaman, positibo ang mga netizens na naghahanap na ngayon ang network ng solusyon para maayos kaagad ang nasabing reklamo.


Sa kabilang banda, ayon sa lumalabas ngayong mga ulat na napatunayan umanong may hindi naayung tema sa pamunuan ng Black Rider kaya naman sasailalim,na umano sa panibagong pamunuan ang nasabing teleserye sa mga susunod na linggo.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo