Nagsalita Na Si Kaye Abad Sa Totoong Relasyon Nila Ni Daniel Padilla Noon

Martes, Enero 23, 2024

/ by Lovely


 Naglabas na ng pahayag ang dating aktres na si Kaye Abad matapos madawit ang kanyang pangalan sa hiwalayan ng celebrity couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, bilang isa sa mga naging babae ng aktor.


Binasag na ni Kaye Abad ang kanyang katahimikan patungkol sa isyung kinasasangkutan niya kamakailan lamang nang tuluyang i-unfollow ni Kathryn Bernardo ang aktor sa kanyang Instagram account.


Nag-ugat ang isyu nang lumabas sa isang blind item ang babaeng nakarelasyon umano ni Daniel Padilla kung saan nag-check in pa umano ang dalawa sa isang five star hotel. Nakita pa umano ito mismo ng ina ng aktor subalit sa huli ay tinago parin ang baho ng kanyang anak.


Tinago naman sa initial na KA ang pangalan ng babaeng kinakalantari umano ni Daniel Padilla noong 2018. Sa ngayon ay may asawa na rin umano ang babae at hindi na aktibo sa showbiz.


Marami naman ang naghinalang si Kaye Abad ang tinutukoy sa nasabing blind item dahil sa mga kumakalat noong larawan ng dalawa.


Samantala, tinawanan lamang umano ni Kaye Abad ang isyung isa siya sa mga babae ni Daniel Padilla habang magkarelasyon naman ito at si Kathryn Bernardo. Itinanggi rin niya ang isyung nagkaroon sila ng relasyon ng aktor.


Sa ngayon ay hindi na aktibo sa showbiz si Kaye Abad at may mangilan-ngilan na lamang siyang endorsement at akting projet. Kasalukuyang naninirahan na rin ito sa Cebu kasama ang kanyang mister na nakabase roon.


Bukod kay Kaye Abad, nadawit rin sa isyu ang iba pang mga celebrities kagaya na lamang nina Andrea Brillantes, Gillian Vicencio, Julia Barretto, Liza Soberano, isang vietnamese model, Aeriel Garcia.


Marami rin naman ang nagsasabi na hindi naman ang pangangaliwa isyu ang dahilan kung bakit in-unfollow ni Kathryn Bernardo sina Julia Barretto at Liza Soberano, nadawit lamang umano ang dalawa dahil ngayon lamang napansin ng mga netizen na hindi na sila pina-follow ni Kathryn Bernardo sa Instagram.


Naglabas na rin naman ng mga pahayag ang ilan sa mga nasabing personalities kung saan pinabulaanan nila ang isyung dinadawit sila sa hiwalayan ng KathNiel.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo