Cristy Fermin Pinagkumpara Muli Si Alden Richard at Daniel Padilla

Martes, Enero 23, 2024

/ by Lovely


 Muli na namang naging laman ng talakayan nina Manay Cristy Fermin sa kanilang vlog ang aktor na si Daniel Padilla at ang taglay nitong masamang pag-uugali.


Sa kamakailang episode ng Showbiz Now Na, pinagkumpara nina Manay Cristy Fermin ang mga katangian ng dalawang aktor na sina Daniel Padilla at Alden Richards.


Ayon kay Cristy Fermin, napakalayo ng ugali ng dalawang stars na sina Daniel Padilla at Alden Richard kung gaanong kabugnutin ni Daniel Padilla at siyang kabait naman ni Alden.


Binalikan din nina Manay Cristy Fermin ang kaganapan noong binisita ni Daniel Padilla si Kathryn Bernardo sa taping ng Hello Love Goodbye na pinagbibidahan rin ni Alden Richards.


Ayon sa pagsisiwalat ni Cristy Fermin, tanging si Alden Richards lamang ang hindi pinansin ni Daniel Padilla sa set na hayagang pagpapakita na umano ng kawalang ng respeto.


Napakalayo umano ng ugali ni Alden Richards sa ugali ni Daniel Padilla. Si Alden Padilla ay napakabait umano hindi lamang sa kanyang mga kasamahan sa trabaho kundi maging sa kanya ring mga tagahanga.



Sa tuwing may event ay palagi umanong pinagbibigyan ng aktor ang kahilingan ng kanyang mga fans na makapag-selfie kasama siya. Naniniwala rin umano ang aktor na dahil sa kanyang mga tagahanga kaya siya sumikat sa showbiz.


Samantala, may mga nagsaabi naman na iba umano ang ipinapakitang ugali ni Daniel Padilla sa tuwing nasa harap ng kamera at sa tuwing tanging fans na lamang nito ang kaharap.


Nakarating din umano kina Cristy Fermin ang isyu noon kay Daniel Padilla, may kinainisan umano ang aktor na isang artista na nagpunta sa kanilang bahay, dahil dito, sinabihan umano ng aktor ang kanyang ina na huwag na itong pabalikin sa kanilang tahanan dahil naiinis siya sa pagmumukha nito.


Umaani naman ng mga reaksyon at komento ang isiniwalat ni Manay Cristy Fermin na pag-uugali ng dalawa. Marami ang sumang-ayon sa pahayag ng veteran showbiz columnist sa kung gaano kabuti at kabait ni Alden Richard sa kanyang mga fans.


May mga sumang-ayon rin sa naging pahayag ni Cristy Fermin patungkol kay Daniel Padilla dahil napapansin umano nila na bagama't pinagbibigyan ni Daniel Padilla ang kanyang mga fans na makapagpa picture sa kanya, hindi naman umano ito ngumingiti.


Sa kabilang banda, may ilang mga solid fans naman ni Daniel Padilla ang naninindigang mabait ang kanilang idolo, nababahiran lamang umano ngayon ang pangalan nito dahil sa hiwalayan nila ni Kathryn Bernardo.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo