Kapamilya Aktres Handa Ng Magbalik Showbiz?

Martes, Enero 23, 2024

/ by Lovely


 May inilabas na panibagong update ang kilalang talent manager at showbiz  insider na si Ogie Diaz patungkol sa aktres na si Angel Locsin na mahigit isang taon na ring nanahimik at tila nagtatago na rin sa mata ng publiko.


Hindi naman na bago na marami sa mga fans ng batikang aktres ang napapatanong sa kasalukuyang kalagyan nito dahil sa biglaan na lamang nito pamamahinga at sa pagkawala nito sa limelight.


Ayon kay Ogie Diaz marami ang naghahanap ngayon kay Angel Locsin, may mga nagtatanong pa kung sila pa rin hanggang ngayon ng kanyang asawang si Niel Arce. Nabiro pa tuloy si Ogie Diaz kung may mga fan bang nais na maghiwalay ang dalawa dahil palaging tinatanong ng mga ito ang tungkol sa relasyon ng dalawa.


Nilinaw naman ni Ogie Diaz na hanggang ngayon ay nagsasama pa rin sina Angel Locsin at Niel Arce at masaya sila sa kanilang buhay. Ipinahayag rin ni Ogie Diaz na talagang umiiwas ngayon si Angel Locsin sa social media subalit may mga pinagkakaabalahan naman umano ito at nililibang ang sarili.


Kabilang umano sa mga ginagawang past time ngayon ng batikang aktres ay ang paglalaro ng mga online games. Sa ngayon ay wala pa rin umanong balak ang aktres na bumalik sa showbiz industry dahil tila nasisisiyahan pa umano ito sa tahimik niya buhay na malayo sa lahat ng negativity.


Naiitindihan naman umano ni Ogie Diaz ang pagpapahinga ngayon ni Angel Locsin at naniniwala siyang deserved naman ng aktres na magpahinga matapos ang ilang taong pagtatrabaho niya sa showbiz industry at sa pagtulong sa mga nangangailangan.


Sa ngayon ay nag-eenjoy pa umano ang aktres sa kanyang pinagkakaabalahan ngayon at pinagbibigyan naman umano siya ng kanyang mister na si Niel Arce dahil nakikita naman umano nito na nag-eenjoy ang kanyang asawa sa pinagkakaabalahan nito ngayon.


Sa ngayon ay nakaprivate na rin ang Instagram account ni Angel Locsin, piling mga kaibigan na lamang rin nito ang nakakakuntak at nakakasama ngayon ng akres.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo