Mga Kaibigang Artista Ni Kris Aquino Di Mapigilang Malungkot Matapos Malaman Ang Kanyang Kalagayan

Martes, Enero 23, 2024

/ by Lovely


 Kamakailan lamang ay naging sunod-sunod ang pagbabahagi ni Kris Aquino ng mga reels kung saan ibinahagi niya ang mga larawan na kuha sa loob ng dalawang buwan niyang pananahimik sa social media.


Pansamantalang nanahimik sa social media si Kris Aquino, kaya naman marami sa kanyang mga tagahanga at taong nagmamahal sa kanya ang napapatanong kung kumusta na nga ba ito.


Makikita sa mga nasabing reels ni Kris Aquino ang compilation ng kanyang mga larawan na kuha mula sa kanyang treatments at ang mga kaganapan sa kanyang buhay sa nakaraang 2 buwan.


Inamin rin ni Kris Aquino na bumaba muli ang kanyang timbang, na makikita naman sa kanyang mga larawan na ibinahagi, nawalan kasi umano siya ng ganang kumain. Pinayuhan naman umano siya ng kanyang mga doctor na kumain na rin ng mga protein rich food upang makaiwas siya sa ilang mga complications.


Subalit, hindi umano ito naging madali sa kanyang part dahil kadalasan ay umiinom na lamang siya ng gatas. Ibinahagi rin ni Kris Aquino ang resulta ng ilang mga tests na ginawa sa kanya kung saan nakitaan na naman siya ng bagong autoimmune condition na mas kilala sa tawag na Lupus.


Samantala, marami naman sa mga tagahanga at mga kaibigan ni Kris Aquino ang labis na namang nag-aalala ngayon sa kalagayan nito lalo pa't may panibagong sakit na naman itong kinakaharap.


Ikinabahala rin nila ang inamin ni Kris Aquino na hindi siya nabo-bother sa malamig na klima roon dahil naiinitan umano siya at nababasa pa ng pawis ang kanyang pajama.


Marami sa kanyang mga kaibigang mga celebrities ang napapaiyak na lamang dahil ramdam na ramdam umano nila ang mga paghihirap ngayon ni Kris Aquino na makikita naman sa kanyang mapayat na pangangatawan ngayon.


Bumuhos rin ang mga mensahe ng panalangin na sana ay malampasan ni Kris Aquino ang mga pagsubok na kinakaharap niya ngayon at sana ay tuluyan na itong gumaling mula sa sari-saring sakit na nararamdaman nito ngayon.


Sa kabilang banda, marami naman ang humahanga sa taglay na tapang at tatag ni Kris Aquino dahil kinakaya pa rin niya ang lahat ng kanyang mga nararamdamang sakit sa pag-iisip sa mga taong nagmamahal sa kanya.


Kabilang sa mga taong nagpadala ng mensahe kay Kris Aquino sina Carmina Villaroel, Jolina Magdangal, Pokwang bukod sa marami pang nagdarasal sa maayos na pangangatawan ni Kris Aquino.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo