Dahilan Ng Di Pagkansela Ng Mga Proyekto for 2024 Nina Gabby at Sharon Lumabas Na

Martes, Enero 23, 2024

/ by Lovely


 Nadismaya ang maraming fans nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion nang makumpirmang hindi na matutuloy ang supposedly Valentine concert ng dalawa sa darating na February 13, 2024.


Tuluyan nang nakumpirma ang bali-balitang pagkakansela ng concert ni Sharon Cuneta at Gabby Concepcion sa darating na February 13, na pa-Valentine sana nila sa kanilang mga tagahanga na labis na nasisiyahan sa kanilang pagsasamang muli sa stage.


Ayon sa mga kumakalat na haka-haka online, marami umanong ginawang demands ang kampo ni Gabby Concepcion para sa kanilang concert na hindi naman nagustuhan ng kampo ng Mega Star.


Hiniling naman ng kanilang mga tagahanga na sana ay magkasundo na lamang ang dalawa para sa kanilang mga fans na hangad nilang pasayahin sa Araw ng mga puso.


Samantala, sa isang episode ng programa nina Manay Cristy inilahad nila ang ilang mga rebelasyon patungkol sa kanseladong concert ng dalawa.


Naging usap-usapan rin na umano'y mas nakinabang si Sharon Cuneta sa nagdaang concert nila ni Gabby Concepcion noong nakaraang October 2023. Ipinahayag pa ni Cristy Fermin na tila mas marami na ang fans ngayon ni Gabby Concepcion kaysa kay Sharon Cuneta at tila nawawalan na rin umano ng kinang ngayon ang Mega Star.


Naniniwala rin umano si Manay Cristy Fermin na sana ay ibigay naman ng kampo ni Sharon Cuneta ang ilan sa mga kondisyon ni Gabby Concepcion lalo na ang patungkol sa pagiging artista nito. 


Naniniwala rin si Cristy Fermin na sana maging patas naman ang kampo ni Sharon Cuneta patungkol sa perang kikitain ng mga ito sa concert.


Samantala, naniniwala naman ang ilang mga netizens na may kinalaman sa pagkakansela ng kanilang concert ang nakaraang mga cryptic posts ni Sharon Cuneta na ngayon ay burado na sa kanyang social media accounts.


Marami ang nagsasabi na maging ang pinagpaplanuhang movie ng dalawa matapos ang matagumpay na Dear Heart concert ay kanselado na rin.


Sa kabilang banda, lumalabas naman ngayon ang balitang magkakaroon umano ng concert sina Gabby Concepcion at KC Concepcion sa darating na June bilang celebration ng dalawa sa Fathers Day.


Gayunpaman, ay hindi pa naman finalized ang concert nilang ito subalit positibo na ang ilang mga fans na matutuloy ito dahil maayos naman ang relasyon ngayon ng mag-ama at nagkasama pa ang mga ito noong Christmas celebration.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo