Kim Chiu, Paulo Avelino Sabay na Kinumpirma Ang Pagkakapositibo!

Lunes, Enero 15, 2024

/ by Lovely


 Ikinagulat ng maraming mga netizens ang balitang isiniwalat nina Kim Chiu at Paulo Avelino patungkol sa kanilang kalagayan ngayon.


Marami ang nagulat ng mapag-alaman na nagpositibo sa nakakahawang sakit na C0vid 19 sina Paulo Avelino at Kim Chiu na kamakailan lamang ay inamin nila sa media conference ng teleserye nilang Linlang nitong January 15, 2024.


Hindi nakadalo ng personal sina Paulo Avelino at Kim Chiu sa naganap na media conference para sa kanilang seryeng Linlang na ipapalabas na sa telebisyon. Dahil ito sa pagkakapositibo nila sa sakit na C0Vid-19.


Samantala, tila hindi naman mapipigilan si Kim Chiu ng kanyang sakit dahil nagiging positibo pa rin ang kanyang mindset patungkol sa buhay. Ayon pa kay Kim Chiu, kahit na nagpostive siya ay siya pa rin si Juliana.


Marami naman sa mga tagahanga nina Kim Chiu at Paulo Avelino ang humiling na sana ay gumaling na ang dalawa uang maipagpatuloy nila ang kanilang mga ginagawa.


May mga nag-aalala pa kung bakit sabay na nagkasakit sina Paulo Avelino at Kim Chiu.


Sa ngayon ay hindi pa rin naiiwasan ng mga netizens na hilingin na sana ay maging totohanan na ang sweetness na ipinapakita nina Paulo Avelino at Kim Chiu sa isa't-isa ngayon single na ulit si Kim Chiu.


Sa parte naman ni Paulo Avelino ay hindi naman nito inamin kung totoong may relasyon sila ni Janine Gutierrez. Dahil dito marami tuloy ang humihiling na sana silang dalawa naman ang magkamabutihan.


Gayunpaman, marami rin naman sa mga fans ni Kim Chiu ang pumapayo sa aktres na sana ay huwag naman itong magmadali sa paghahanap ng panibagong mamahalin at enjoyin na lamang ang kanyang pagiging single.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo