Cristine Reyes Buntis Na Sa Boyfriend Na Si Marco Gumabao

Lunes, Enero 15, 2024

/ by Lovely


 Naging laman sa usap-usapan sa ilang mga social media platforms ang balitang pagbubuntis ni Cristine Reyes sa anak nila ng Kapamilya actor na si Marco Gumabao.


Matagal na ring inamin nilang dalawa ang pagkakaroon nila ng relasyon sa kabila ng kanilang age gap. Tila hindi naman naging hadlang sa kanilang pag-iibigan ang malaking age gap nilang dalawa at ang pagkakaroon na ng anak ni Cristine Reyes.


Si Marco Gumabao ay 29 years old samantalang si Cristine Reyes naman ay 34 years old na. Gayunpaman ay going strong pa rin ang pag-iibigan nilang dalawa.


Sa katunayan ay nagsasama na rin ang dalawa ngayon sa iisang bubong, dahil dito, may mga kumakalat na isyu na sinusubukan na nilang bumuo ngayon ng pamilya.


May mga nakapansin kasi na tila lumalaki umano ang tiyan ngayon ng aktres na makikita naman sa ibinabahagi nitong larawan sa social media. 


Sa kabilang banda, ipinahayag naman ni Ara Mina, kapatid ni Cristine Reyes, na wala namang problema sa kanya ang pagsasama nina Cristine Reyes at Marco Gumabao sa iisang bubung dahil nakikita naman umano niyang mabait ang aktor at kung gaano nito kamahal ang kanyang kapatid.


Maging ang ina ni Cristine Reyes ay nagpahayag rin na masaya siya para sa anak niyang si Cristine sa pagkakatagpo nito ng lalaking magmamahal sa kanila ng kanyang anak.


Inamin rin naman ng ina nito na ipinakilala na sa kanya ni Cristine Reyes ang kanyang boyfriend na si Marco Gumabao. Iginiit pa ng Ginang na walang problema sa kanya si Marco ang mahalaga lamang ay mahalin at pasayahin nito ang kanyang anak.


Marami naman sa mga netizens ang nagsasabi na wala naman umanong problema sakaling nagdadalang tao ngayon ang aktres dahil makikita naman na masaya na ito kasama si Marco.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo