Kathryn Bernardo, Civil Pa Rin Kay Daniel Padilla Sa Trabaho

Lunes, Enero 29, 2024

/ by Lovely


 Naglabas ng panibagong update ang aktres na si Kathryn Bernardo kung saan ibinahagi niyang balik trabaho na sila ni Daniel Padilla matapos ang kanilang hiwalayan at pinagdaanang kontrobersiya.


Sa mga lumabas na larawan makikitang tila nag-aayos na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla para sa gagawin nilang photoshoot.


Kaagad naman itong umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens, marami ang nae-excite sa muling pagsasama ng dalawa matapos ang kanilang paghihiwalay.


Marami naman ang humanga sa ipinapakitang professionalism ng mga ito sa kani-kanilang trabaho. Matapos magsilabasan ang mga isyu sa pagitan nila at matapos ang mga nangyari ay handa pa rin silang magtrabaho ng magkasama.


May mga nagsasabi naman na ganito talaga ang trabaho ng isang artista na kahit may masakit na nararamdaman ay kailangan nila itong isantabi lalo pa kung may existing contract sila sa isang brand ay hindi talaga sila makakaiwas na magsama, kung ayaw nilang makapagbayad ng malaking halaga.


Ipinahayag naman ng ilang mga fans ni Kathryn Bernardo na pinatunayan lamang ng aktres ang kanyang naging pahayag noong inamin niya ang hiwalayan nila ni Daniel Padilla na nag-umpisa sa respeto ang relasyon nila ni Daniel Padilla at sa respeto rin ito nagtapos.


Hinangaan din ng ilang mga netizens ang pananahimik ni Kathryn Bernardo sa mga isyung kinakaharap ni Daniel Padilla sa kanilang relasyon, kailanman ay hindi ito naglabas ng pahayag na lalong ikakapahamak ni Daniel.


Maituturing din umano si Kathryn Bernardo na isang magandang impluwensya si Kathryn Bernardo sa lahat ng mga kababaihan na hindi kailangang maglabas ng kung ano-anong kasiraan sa dating karelasyon para makakuha ng simpatya mula sa publiko.


Hanga rin ang ilang mga netizens sa galing ni Kathryn Bernardo na magkontrol sa kanyang emosyon dahil nakikitungo pa rin siya ng maasyos kay Daniel Padilla sa kabila ng lahat ng nangyari sa pagitan nila.


Matatandaan na matapos ang ilang buwang pananahimik nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa isyu ng kanilang paghihiwalay, kinumpirma ng ito ang isyu noong November 30, 2023.


Bagama't hindi naman nila isinapubliko ang totoong dahilan ng kanilang paghihiwalay marami ang mga naghinalang may kinalaman rito ang kapwa Kapamilya actress na si Andrea Brillantes na sinasabing palihim na katagpo ni Daniel Padilla.


Ilang linggo ang makalipas, naglabasan naman ang pangalan ng iba pang mga TV personalities na iniuugnay kay Daniel Padilla na pinaghihinalaang nakarelasyon ng aktor habang karelasyon din nito si Kathryn Bernardo.


Ang ikinainis naman ng maraming KathNiel fans ay ang pagpapanggap ni Daniel Padilla na isang conservative at loyal gayung nananaig pa rin pala sa dugo nito ang pagiging mayabang at babaero na naging trademark na ng angkang Padillla sa industriya ng showbiz.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo