Buong Detalye Ng Issue! Claudine Barretto Vs Angelu De Leon Sa Wedding Anniversary Nina Gladys Reyes

Lunes, Enero 29, 2024

/ by Lovely


 Ikinaloka ng batikang aktres na si Gladys Reyes ang binitiwang pahayag ng aktres na si Claudine Barretto matapos niyang maimbitahan ito sa stage noong 20th wedding anniversary celebration nila ng kanyang mister na si Christopher Roxas.


Sa gitna ng kanilang kasiyahan at sa harap ng napakaraming bisita, ay ginulantang ni Claudine ang lahat ng prangkang ipinahayag niya na ayaw niyang makasama sa iisang pelikula si Angelu De Leon. Gayung si Angelu ay isa rin sa mga guest ni Gladys sa gabing iyon.


Marami ang mga invited sa nasabing event dahil bukod sa 20th anniversary celebration nina Gladys at Christopher, belated birthday celebration din ito ng panganay nilang si Christoff.


Karamihan pa sa kanilang mga bisita ay mula sa mundo ng showbiz na parehong kinabibilangan ng mag-asawa. Kaya naman ikinabigla ng lahat ang unfiltered na litanya ni Claudine Barretto.


Nang umakyat sa stage si Claudine Barretto para batiin ang mag-asawa nagkaroon sila ng pagkakataon na makapagkwentuhan. Inilahad ni Claudine Barretto na ngayon pa lamang umano ay ima-manifest na niya ang paggawa ng pelikula kasama si Gladys Reyes at Judy Ann Santos.


Sinagot naman ito ni Gladys, kung saan nilinaw niya kay Claudine Barretto kung game ba itong gumawa ng reunion project kung saan makakasama nila si Judy Ann Santos at Angelu De Leon.


Subalit tila nag-iba ang mukha ni Claudine Barretto, sumeryoso ito at ipinahayag na ang nais lamang niyang makasama sa project ay sina Gladys at Judy Ann, walang Angelu De Leon.


Inilahad pa ni Claudine na hindi niya alam kung saan nanggaling iyong may Angelu na kasama sa kanilang usapan. Tila na caught off-guard naman si Gladys Reyes.


Dudugtungan pa sana ni Claudine ang kanyang pahayag subalit inilayo na ni Gladys ang microphone kay Claudine Barretto at iniiwas na ang usapan kung saan nagbiro na lamang siyang naging suplada na ulit si Claudine dahil sa pagpayat nito.


Itinama naman ito ni Claudine kung saan inilahad niyang hindi siya suplada, kundi isa siyang maldita at nagsasabi lamang siya ng totoo.


Mabilis namang nagviral sa ilang mga social media platforms ang nasabing video ni Claudine Barretto, marami ang nagsasabi na hindi man lang ginalang ni Claudine ang 20th wedding anniversary nina Gladys Reyes at Christopher Roxas.


Talagang gumawa pa umano ito ng eksena sa pamamagitan ng pagba-bad mouth niya sa kasabayang artista na si Angelu De Leon. Sa mga lumabas naman ulat, nauna umanong dumating sa party sina Angelu De Leon at asawa nitong si Wawei at noong umakyat si Claudine sa stage ay nakaalis na ang mga ito.




@nemgarcia2020 Everything will be okay sooooonnn #claudinebarretto #angeludeleon #letspray ♬ original sound - NEMGARCIA2020

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo