Detalye Sa Muling Paghaharap Nina Carla Abellana at Ex-Husband Tom Rodriguez

Miyerkules, Enero 31, 2024

/ by Lovely


 Nagbalik na sa bansa ang aktor na si Tom Rodriguez matapos ang halos dalawang taong pamamalagi nito sa Amerika matapos ang paghihiwalay nila ni Carla Abellana.


Nagsimulang umugong balitang pagbabalik ni Tom Rodriguez sa bansa nang magpost ng larawan ang manager ng aktor na si Popoy Caritativo kung saan binati niya ang aktor.


Kung pagbabasehan ang check-in ng post ni Popoy ay nasa Mandaluyong Cebu ito, sa isang restaurant. Makikita namang masayang nakangiti si Tom Rodriguez sa larawan na tila ba wala nang bakas sa masakit na nakaraan nila ni Carla Abellana.


Ngayong nagbabalik na sa bansa ang aktor, marami sa mga netizens ang napapatanong kung handa na nga ba ang dalawa sa muli nilang pagkikita pagkatapos ang kanilang masalimoot na paghihiwalay.


Sa ekslusibong panayam ni Nelson Canlas kay Carla Abellana, inilahad ng aktres na hindi umano niya alam na nakauwi na pala sa bansa ang dati nitong asawa.


Naitanong rin ni Nelson Canlas kay Carla Abellana kung ready na ba ang aktres na makita dating kabiyak ngayong malaki na ang posibilidad nito ngayon dahil pareho pa rin silang nasa bakuran ng GMA.


Ayon kay Carla Abellana, hindi na siya nakakaramdam ng intimidation, hindi na rin umano siya anxious at natatakot. Bukas naman din umano ang kanyang isip na may obligation si Tom Rodriguez rito sa bansa at isa pa, isa rin itong artista.


Alam naman umano ni Carla Abellana na hindi maiiwasan na magkikita pa rin silang dalawa lalo na na pareho silang Kapuso artist. Hindi rin naman umano siya ang tipong iiwas kay Tom Rodriguez dahil napag-isipan na niya ito na darating rin ang oras na babalik sa bansa ang dating asawa.


Samantala, ayon sa mga usap-usapan ngayon sa social media na kaagad sasabak sa isang teleserye si Tom Rodriguez. Hindi pa naman inilalabas ang kabuuang detalye nito ng kanyang manager.


Ang tanging kumpirmado sa ngayon ay ang pagkakaroon ng project ng aktor.


Sa kabilang banda, marami naman ang naghinala na ang kamakailang Instagram stories ni Karla Abellana ay patama niya sa sitwasyon nila ni Tom Rodriguez.


Kamakailan lamang ay nagbahagi si Carla Abellana ng isang poem na tumutukoy sa pagtamang pagpili sa lahat ng bagay kabilang na ang marriage at divorce.


Tumagal ng mahigit pitong taon ang naging relasyon nina Carla Abellana at Tom Rodriguez bago sila ikinasal noong October 2021. Ginulat naman nila ang mga netizens nang lumabas ang balita ng kanilang hiwalayan matapos ang tatlong buwan lamang mula ng kanilang pagpapakasal.


Matapos ang ilang buwan ng mga haka-haka at pananahimik ng dalawa sa mga naglabasang isyu at blind item, tuluyang kinumpirma ni Tom Rodriguez ang kanilang hiwalay at sinasabing pinoproseso na nila ang kanilang divorce.


Nagpunta rin sa ibang bansa ang aktor at pansamantalang itinigil ang kanyang showbiz career sa bansa upang magbakasyon at pagalingin na rin ang sugat ng kanyang puso.


@gmanetwork Sa muling pagbabalik ni #TomRodriguez sa Pilipinas, handa na nga ba si Kapuso star #CarlaAbellana na makaharap ang kanyang ex-husband? #KapusoShowbizNews ♬ original sound - GMA Network

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo