Karla Estrada Ipinagmalaki Sa Publiko Ang Bagong Endorsement Ni Daniel Padilla

Miyerkules, Enero 24, 2024

/ by Lovely


 Ipinagmalaki ng celebrity mom na si Karla Estrada sa kanyang Instagram account ang panibagong billboard ng kanyang anak na si Daniel Padilla na tila ipinamumukha niya sa mga bashers ng kanyang anak na hanggang ngayon ay namamayagpag pa rin ang pangalan nito.


Sa gitna ng mga mabibigat na isyung kinakaharap ngayon ng aktor na si Daniel Padilla mula nang maghiwalay sila ni Kathryn Bernardo, marami ang naghinalang magiging katapusan na ito ng career ni Daniel Padilla.


Naglabasan na rin kasi ang matagal nang tinatagong baho ni Daniel Padilla patungkol sa totoong pag-uugali nito, kabilang na ang pagiging mayabang, pagiging bastos nito sa kanyang mga fans at ang pagpapapanggap na conservative subalit sa totoo pala ay nambababae ito sa likod ni Kathryn Bernardo.


Mula nang maghiwalay sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, nabunyag sa publiko ang totoong pagkatao umano ni Daniel Padilla, nagsilabasan na rin ang mga pangalan ng mga babaeng pinaghihinalaang kinakalantari ng aktor habang sila pa ni Kathryn.


Marami ang nadismayang tagahanga ni Daniel Padilla dahil buong akala umano nila ay mabait ang aktor at totoong mahal nito si Kathryn Bernardo subalit tila ginagamit lamang pala nito si Kathryn Bernardo at ang kanilang loveteam para sa kanyang sikat.


Samantala, naging matunog rin ang isyung nagsialisan na ang mga endorsements ni Daniel Padilla dahil sa takot na madamay ang kanilang brand sa negativity na natatanggap ng aktor ngayon.


Sa kabila ng pag-alis ng ilang sponsors ni Daniel Padilla may ilan pa rin naman na nanatili hanggang ngayon sa aktor at naniniwalang hindi pababagsakin ng mga natatanggap niyang pambabatikos ang sales ng kanilang brand.


Kamakailan lamang ay buong pagmamalaking ibinahagi ni Karla Estrada sa kanyang Instagram account ang endorsement ng kanyang anak na si Daniel Padilla mula sa isang kilalang clothing line na naka display sa isang billboard.


Sa caption ng kanyang post, pinasalamatan ni Karla Estrada nasabing brand sa pagtitiwala kay Daniel Padilla.


Kaagad naman itong nagviral sa social media at inulan rin ng samu't-saring komento mula sa mga netizens. Ayon sa ilang hindi naman umano nararapat hayaan ng mga bashers na maapektuhan sa isyu ng hiwalayan nina Daniel at Kathryn na maapektuhan ang career ng aktor.


May mga nagsasabi pa na sana ay bigyan naman ng pagkakataon ang aktor na magbago.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo