Kathryn Bernardo Insecure Sa Ganda Ni Liza Soberano Kaya Inunfollow Niya Ito Sa Kanyang Instagram

Miyerkules, Enero 24, 2024

/ by Lovely


 Hanggang ngayon ay malaking katanungan pa rin sa ilang mga netizens kung bakit kabilang sa mga in-unfollow ni Kathryn Bernardo sa kanyang Instagram acccount ang dating Kapamilya actress na si Liza Soberano.


Hindi pa rin natatapos ang pagdedebate ng mga fans ng dalawang aktres na sina Kathryn Bernardo at Liza Soberano, matapos mapansin ng mga netizens na hindi na nakafollow si Kathryn Bernardo sa Instagram account ni Liza Soberano.


Hindi lang naman si Liza Soberano ang in-unfollow ni Kathryn Bernardo sa kanyang Instagram, kabilang rin sa tinanggal ni Kathryn sa kanyang following list sina Gillian Vicencio at Julia Barretto.


Bukod sa kanila, in-unfollow na rin ni Kathryn Bernardo ang kanyang ex-boyfrind at ka-loveteam na si Daniel Padilla matapos ang mahigit isang buwang pag-amin sa kanilang hiwalayan.


Naging palaisipan sa mga netizens kung may issue ba sa pagitan nina Kathryn Bernardo at Liza Soberano, gayundin kay Julia Barretto na maaring dahilan kung bakit in-unfollow niya ang mga ito.


Ayon sa ilang mga netizens, nauna namang nag-unfollow si Liza Soberano kay Kathryn Bernardo noon pang inamin ni Liza Soberano sa publiko na sa kanila ni Enrique Gil unang inoffer ang successful movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richads na pinamagatang Hello Love Goodbye.


Ayon sa naging pahayag ni Liza Soberano noon, nang inoffer sa kanila ni Enrique Gil ang Hello Love Goodbye, hiniling niyang hintayin siya dahil kasalukuyan siyang naghahanda noon para sa Darna dahil gusto niyang gawin ang movie. Subalit, nagulat na lamang siya nang in-offer na pala sa iba ang nasabing movie.


Narito ang ilang komento ng mga netizens sa biglaang pag-unfollow ni Kathryn Bernardo kay Liza Soberano.


"Tama Yan nag un follow C Kath Kay Liza Kasi masalita sya Una Yong loveteam ❤️Sabi nya ang artists sumikat Lang SA loveteam eh Di ba SA loveteam din sya sumikat SA Di na nya sinabi SA interview❤️pangalawa Yong hello love na movie komo top grosser SA takelya at SA interview nya SA kanya inoffer Una ang script Ng hello love bat di nya sinunggaban ang offer na yon at itoy kumita Ng 880,000,00pesos Kaya Ito inunfollow sya NI KAth Kasi sya unang dada Ng dada SA bunganga nya.ngayon sino ang naiinggit Sa kagandahan si Kath o c Liza o sa Kita ng hello  love..Ever since WALA pang movie na kumita ng ganito na ginampanan ni kath at aldin.first time ito.sino na ang insecure sa DALAWA kayo na netizens ang humusga.kasi si Kath may isa pang movie na top grosser din ang HOW OF US.. yan ang  mga dahillan na inunfollow ni Kath kasi mataas  ang mga lipad sa lupa din babagsakšŸ˜”dada ng dada sa bunganga"


"yan kc si kathryn feeling nya siya lang ang sikat sa ganda wala sya sa kalinkingan nina liza at julia"


"Yes, insecure si kathryn kc mas maganda c liza at mas matalino. She has a very strong personality. She can realate with whatever topic you ask her. She's very articulate n explains very well answers  to questions  from interviews asked of her."


Samantala, may mga nagsasabi naman na baka na-insecure lamang si Kathryn Bernardo sa angking ganda ni Liza Soberano. Hindi umano matanggap ni Kathryn Bernardo na mas maganda kaysa kanya si Liza Soberano.


Sa kabilang banda, may mga nagsasabi rin na bukod kay Liza Soberano insecure rin si Kathryn Bernardo sa ganda ni Julia Barretto kaya hindi ito nagpunta sa kasal ng kanilang kaibigan.


Gayunpaman, hindi naman naibalita sa social media na masama ang loob nila sa isa't-isa.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo