Dominic Roque Ipinakita Ang Bonding with Nguya Squad! Daniel Padilla Wala Na Sa Barkada?

Miyerkules, Enero 24, 2024

/ by Lovely


 Kamakailan lamang ay kinumpirma na ni Dominic Roque ang isyung hindi invited si Daniel Padilla sa kanilang kasal ni Bea Alonzo.


Matatandaan na sina Dominic Roque at Daniel Padilla ay parehong kabilang sa 'Nguya Squad' subalit tila nabuwag ang grupo dahil sa pagiging abala ng mga ito at sa isyung may naganap na hindi pagkakaunawaan sa kanilang grupo.


Hindi naman naging malinaw noon ang dahilan ng tila pagkakabuwag ng kanilang pagkakaibigan, subalit tila naging malinaw na ngayon matapos ang paghihiwalay nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.


Sa isang panayam kay Dominic Roque kung saan naitanong rito ang detalye ng kanilang pinagpaplanuhang kasal ni Bea Alonzo na magaganap na ngayong taon, hayagang isiniwalat ni Dominic Roque na hindi kabilang sa kanilang guest list ang aktor at ex boyfriend ni Kathryn Bernardo na si Daniel Padilla.


Ipinaliwanag naman ni Dominic Roque ang dahilan kung bakit hindi niya inimbitahan si Daniel Padilla sa kanyang kasal. Ayon kay Dominic Roque, matagal na silang hindi nagkikita at hindi nag-uusap ni Daniel Padilla noon pang 2020.


Dahil dito, tila pinatunayan na umano ni Dominic Roque na talagang naging friendship over na sila ni Daniel Padilla.


Samantala, sa kamakailang Instagram post ni Dominic Roque, ibinahagi niya ang isang video ng bonding moments nila ng kanyang barkada na matagal rin niyang hindi nakasama mula nang magkaroon sila ng isyu ni Daniel Padilla.


Sa video makikitang nakasama ni Dominic Roque sa isang dinner sina Marco Gumabao at ang girlfriend nitong si Cristine Reyes, naroon din ang mag-asawang sina Patrick Sugui at Aeriel Garcia, Gabbi Garcia at ang nobyo nitong si Khalil Ramos.


Base sa caption ni Dominic Roque sa kanyang post, nangyari ang holiday dinner nila noong 2023 subalit kamakailan lamang ito ibinahagi ng aktor.


Marami naman ang nakapansin na karamihan sa mga common friends nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang tumalikod ngayon sa aktor matapos ang naging hiwalayan nilang dalawa.


Dahil dito, hindi maiwasan ng ilang mga netizens na sabihing talagang may ugaling hindi maganda si Daniel Padilla dahil tinalikuran ito ng ilang mga kaibigan nila ni Kathryn Bernardo.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo