Japanese Father Ni Jiro Manio Nagbigay Ng Pahayag Nang Mahanap Ni Ai-Ai Delas Alas Sa Japan

Martes, Enero 23, 2024

/ by Lovely


 Wala umanong kamalay-malay ang dating child actor na si Jiro Manio na natunton na pala noong September 2015 ni AiAi Delas Alas ang kanyang Japanese father.


Habang naka-confine sa isang rehabilitation center si Jiro Manio noong 2015 matapos malulong sa ipinagbabawal na gamot, nagpunta pala ang kanyang nanay-nanayan sa sowbiz na si AiAi Delas Alas sa bansang Japan para hanapin ang kanyang biological father.


Ipinahayag naman ni Jiro Manio sa isang panayam kamakailan lamang na hindi niya alam na hinanap pala ng komedyanteng si AiAi Delas Alas ang kanyang Japanese father.


Ipinaabot ng PEP kay Jiro Manio na natagpuan na ni AiAi Delas Alas ang kanyang ama walong taon na na ang nakakalipas. 


Matatandaan na AiAi Delas Alas ang tumulong sa dating child actor na si Jiro Manio na maipasok ito sa rehab matapos makita ang video kung saan pagala-gala si Jiro sa NAIA Terminal 3.


Kaya nasa NAIA si Jiro noong mga panahong iyo ay dahil nais umano nitong puntahan ang kanyang ama na naninirahan sa Japan na matagal na niyang hindi nakikita.


Natunton umano ni AiAi Delas Alas ang bahay ng ama ni Jiro Manio sa Japan subalit, nabigo umano siyang makausap ito dahil malakas umano ang phobia nito sa mga Pilipino na ibinahagi mismo ni AiAi nang tawagan siya ng press noong January 18, 2024.


Tinawagan si AiAi Delas Alas para linawin nito at ibahagi ang totoong nangyari nang hinanap niya sa Japan ang ama ng kanyang anak-anakan sa showbiz na si Jiro Manio.


Ayon sa pagbabahagi ni AiAi Delas Alas, ayaw na umano nitong nakikipag-usap sa mga Pilipino na tila ba nawala na ito ng tiwala sa mga Pilipino. Masyado umano itong nasaktan dahil hindi raw nakarating ang mga ipinadala niyang tulong sa lola ni Jiro.


Bukod pa rito, hindi naman umano siya naalala noong kasikatan ni Jiro bilang artista. Inilahad rin ni AiAi Delas Alas na dahil may phobia sa mga Pilipino ang ama ni Jiro Manio, isang kakilala ni AiAi na hapon ang nakipag-usap rito.


Dito na umano nalaman ni AiAi Delas Alas ang side ng biological father ni Jiro Manio na matagal na ring kinikimkim. Ipinahayag din ni AiAi Delas Alas ang tradisyon ng mga hapon na bigyan ng kalayaan ang kanilang mga anak kapag tumungtong na ang mga ito sa edad na 18 years old.


Ito marahil ang dahilan umano kaya hindi na nagpakita pa ng interes na tulungan si Jiro Manio na 31 years old na ngayon. 




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo