Jillian Ward, Engaged Na Sa Taga Navotas

Huwebes, Enero 18, 2024

/ by Lovely


 Isa si Jillian Ward sa mga hinahangaan ngayong artista sa mundo showbiz dahil bukod sa pagiging magaling nito sa kanyang pag-arte, hinahangaan rin ng marami ang taglay niyang kagandahan.


Sa katunayan marami ang nagsasabi na si Jillian Ward ang susunod sa yapak ni Marian Rivera bilang Kapuso Primetime Queen.


Sa kabilang banda, kinaaliwan naman online ang viral video ngayon ng aktres kung saan mapapanood ang marriage proposal sa kanya ng isang lalaki na taga-Navotas.


Kahapon lamang, sa naganap na Navotas Day kung saan nakisaya ang aktres na si Jillian Ward. Habang nasa parada, nadaanan nila ang isang grupo ng kalalakihan. Tulong-tulong naman ang grupo na binuhat ang isa sa kanilang kasamahan para maabot ang kamay ng dalaga para maisagawa ang pinaplano nilang wedding proposal.


Game naman si Jillian Ward na pinagbigyan ang mga ito, hinayaan niyang isuot sa kanyang daliri ang isang metal gasket na ginamit ng mga ito bilang singsing para sa pagprpropose.


Tuwang-tuwa naman ang lalaki na pinagbigyan ng aktres ang kanyang wedding proposal, makikita rin naman sa mukha ni Jillian na hindi naman siya na offend sa ginawa ng lalaki bagkus ay nakangiti pa niya itong ipinakita sa kamera.


Naghatid naman ng katuwaan ang nasabing video at umani ng mga komento mula sa mga netizens.


May mga nagsasabi na tila ito na ang naging katapat sa nagviral na 299 pesos na engagement ring. May mga humanga pa sa aktres sa paraan nito para mapasaya ang kanyang mga tagahanga.


Marami rin ang natatawa dahil talagang may kalawang pa na metal gasket ang ginamit ng lalaki.



@mc_boytik #navotascity #batangplantašŸ¤˜šŸ‘ #jillianward #willyoumarryme #singsingchallenge #bakal #tiktoktrend ♬ original sound - MCboytik

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo