Enrique Gil Muling Bumalik Sa Abs Cbn Compound Makalipas Ang Ilang Taon!

Huwebes, Enero 18, 2024

/ by Lovely


 Dumaan sa ABS-CBN compound ang aktor na si Enrique Gil nitong araw kasama ang kanyang manager na si Ranvel Rufino para i-promote ang nalalapit na pagpapalabas sa kanyang comeback movie na I Am Not Big Bird.


Kaagad namang pinag-usapan ng mga LizQuen fan ang ibinahaging larawan ni Enrique Gil sa poster nilang dalawa ni Liza Soberano noong nasa Kapamilya network pa lamang ang actress.


Matatandaan na hindi inalis ng ABS-CBN management ang poster nina Enrique Gil at Liza Soberano sa hallway ng ABS-CBN compound kahit matagal nang nabuwag ang kanilang loveteam mula ng talikuran ni Liza Soberano ang nasabing network dahil sa malaking naiambag ng dalawa sa ABS-CBN.


Sa kabilang banda, marami naman sa mga LizQuen fans ang nakampante sa kasalukuyang estado ng relasyon ng dalawa, matatandaan na kumakalat na rin ang isyung matagal na ring naghiwalay ang mga ito.


Mula nang umalis si Liza Soberano sa management ni Ogie Diaz at ng Star Magic, hindi na nawala ang isyung naghiwalay na rin sila ni Enrique Gil lalo na't hindi na sila nagbabahagi ng mga larawan na magkasama.


Bukod pa rito, hindi na rin sila namamataan pang magkasama sa mga special events at mga occasions, subalit dahil sa ibinahaging larawan ni Enrique Gil marami ang naghinalang maayos naman ang kanilang relasyon.


Samantala, marami naman sa mga fans ni Enrique Gil ang excited na muling mapanood ang kanilang idolo sa isang pelikula matapos ang ilang taong pamamahinga nito sa showbiz industry.


Inaasahan naman na magpopromote si Enrique Gil sa kanyang pelikula sa ilang mga Kapamilya shows kabilang na ang It's Showtime, at ang matagal na naging tahanan ni Enrique Gil na ASAP Natin 'To.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo