May Nagsalita Na, Tungkol Sa Pagbubuntis Ni Ruffa Gutierrez!

Huwebes, Enero 18, 2024

/ by Lovely


 Kumakalat ngayon sa social media ang bali-balitang nagdadalang tao ang aktres na si Ruffa Gutierrez at ang itinuturong ama ng anak nito ay walang iba kundi ang rumored boyfriend nito na Herbert Bautista.


Matagal nang naging usap-usapan sa social media ang pagkakaroon ng relasyon ni Ruffa Gutierrez at Herbert Bautista. Matatandaan na sa isang panayam, naitanong kay Herbert Bautista ang patungkol sa estado ng kanyang lovelife.


Nakangiti naman itong tinugon ni Herbert Bautista, na masaya naman siya sa punto ng kanyang lovelife. Hindi naman umano ito masyadong seryoso pero may pagkaseryoso din umano at the same time. Ang nakakaganda umano nito ay ang pagkakaroon niya ng inspiration at motivation.


Kung babalikan, noong Christmas celebration ng mga Gutierrez noong taong 2021 ay kasama nila si Herbert Bautista, mula noon ay iniintriga nang mayroong sekretong relasyon sa pagitan nilang dalawa.


Sa ngayon ay kumakalat naman ang mga tsikang nagbubuntis na si Ruffa Gutierrez sa dating Quezon City Mayor na si Herbert Bautista. Samantala sa kamakailang episode ng Cristy Ferminute nitong January 17, 2024 tinalakay ng showbiz columnist ang nasabing isyu.


Ayon kay Cristy Fermin, hini-headline umano ng mga vloggers ang balitang nagbubuntis si Ruffa Gutierrez sa kabila ng pananahimik ng aktres sa isyu.


Dagdag naman ni Romel Chika na may mga naglabasan pang mga chika ngayon na umanong nagka-miscarriage si Ruffa Gutierrez.


Samantala, para tuluyan nang matuldukan ang isyu patungkol kay Ruffa Gutierrez, tahasang inilahad ni Cristy Fermin na walang katuturan ang isyu at pawang mga fake news lamang.


Ayon pa kay Cristy Fermin, na hangga't wala pang pormal na pag-amin kay Ruffa Gutierrez ay huwag munang maniwala sa mga usap-usapan na kumakalat mula sa social media.


Iginiit pa nila na hindi naman maaring pagbasehan ng pagbubuntis isyu ang nakikitang pagsasama nina Ruffa Gutierrez at Herbert Bautista hanggang wala pang pag-amin mula sa dalawa.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo