Heart Evangelista Isiniwalat Ang Kahayupang Ginawa Ng Dating Glam Team Niya

Martes, Enero 30, 2024

/ by Lovely


 Hindi maiwasan ng Kapuso actress at fashion icon na si Heart Evangelista na maging emosyunal sa paglalabas niya ng kanyang sama ng loob sa dati niyang glam team na umano'y trumaydor at nagnakaw sa kanya.


Matatandaan na ikinagulat ng mga netizens noong 2023 ang biglaang pagkatanggal ng glam team ni Heart Evangelista na unang napansing ng mga netizens nboong GMA Gala nang iba na ang nag-ayos kay Heart Evangelista.


Ikinagulat ito ng mga netizens dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng nakakarami na naging malapit nang kaibigan ni Heart Evangelista ang kanyang dating glam team na sina Jeck Aguilar at Justine Soriano dala na rin sa matagal na pagseserbisyo ng mga ito sa kanya.


Marami naman ang mga naglabasang isyu patungkol sa totoong dahilan kung bakit tinanggal ni Heart Evangelista ang dalawa. May mga lumalabas na balita na ginamit umano ng dalawa ang credit card ni Heart Evangelista ng walang paalam.


Kinuha rin umano ng dalawa ang mga kontrata ni Heart Evangelista sa pamamagitan ng pagsasabing hindi makakapunta si Heart Evangelista sa event at si Pia Wurtzbach na umano ang papalit rito.


Pinabulaanan naman noon ng glam team ni Heart Evangelista ang isyung ginamit nila ang card ni Heart at minax-out pa ito, wala umano itong katotohanan ang isyung ito dahil si Heart lamang ang may access sa kanyang card.


Iginiit din nila na naging maayos naman ang pag-alis nila kay Heart Evangelista, kaya unfair umano para sa kanilang husgahan ng mga ito.


Samantala, muling nabuksan ang isyu sa pagitan ng glam team noon ni Heart Evangelista na nagtatrabaho na ngayon kay Pia Wurtzbach, nang hindi makalipad papuntang Dubai sina Jeck at Justine dahil na-hold ang kanilang departure.


Hindi umano ito maintindihan ng dalawa dahil wala naman silang ginawang masama na maaring maging dahilan upang mabigyan sila ng hold-departure order.


Marami ang naghinala na ang si Heart Evangelista umano ang dahilan nito dahil may kapangyarihan naman ang aktres dahil sa asawa nitong senador.


Samantala, trending naman ngayon sa social media ang video ni Heart Evangelista kung saan inilabas niya ang kanyang sama ng loob sa dating glam team na pinapalabas umano siyang masama.


Ayon sa naging pahayag ni Heart sa kanyang video, "It's so bad, before of course I was triggered because they make me think that it's competition ganyan ganito. I would be triggered about thaat, because they would feed that to me."


Inilahad din ni Heart Evangelista na sinira ng mga ito ang kanyang inner joy, kung gaano siya ka bubbly noon at ka-carefree.


Hiniling din ni Heart Evangelista na sana ay hindi na lamang umano niya nakilala ang mga ito.


Dagdag pa ni Heart Evangelista, "You know what he did the other day? He took out of our collaborations together, like what did I do to you? Parang ganun ba ko kasama? So pati ako napapa-question masama yata kong tao. Pati ba naman yon, galit na galit na ano bang ginawa ko."


"Meron pala kong natitira, yung damage nila sakin, yun yung nandun ako. It's not anymore about them and what they do now. It's the damage that's still there."


Sa huli, inilahad ni Heart Evangelista na hindi pa rin niya napapatawad ang mga ito at aminado rin siya na hindi pa rin siya nakakamove on mula sa ginawa ng kanyang dating glam team.




@melindaramo Watching Heart E's vlog. sobrang relate. pero sobrang thank You God 💕 #heartevangelista #HeartEvalgelistaVlog #Betrayal #Friendship ♬ original sound - melindaramo

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo