Matapos Maliitin Si Alden, Daniel, Na-Cancelled? Movie Project Nina Kathryn at Alden Itutuloy Na

Miyerkules, Enero 31, 2024

/ by Lovely


 Matapos batikusin at tutulan ng ilang mga KathNiel fans ang tambalan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, nakatanggap naman ito ngayon ng panibagong awards 6th Gawad Lasallelanieta Award.


Pinatunayan lamang umano nito na maari nang ituloy ngayong taon ang mga proyekto para sa tambalang Kathryn Bernardo at Alden Richards.


Muling pinatunayan ng tambalan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na karapa't-dapat lamang na ituloy na ngayong taon ang comeback movie na pagsasamahang movie nilang dalawa.


Kamakailan lamang ay humakot ng apat na mga major awards sa 6th Gawad Lasallelanieta Award ang tambalang Kathyrn Bernardo at Alden Richards. Kaagad namang umani ng samu't-saring reaksyon ang balitang ito.


Marami ang nagsasabi na sign na umano ito na muli nanamang bigyan ang tambalang Kathryn Bernardo at Alden Richards dahil sa matagumpay na pelikulang pinagsamahan nilang dalawa.


Bagama't hindi nakadalo ng personal sina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa awarding night, napadala naman silang pareho ng kani-kanilang mga representatives.


Nanalo si Kathyrn Bernardo bilang Most Outstanding Endorser at Most Outstanding Actress. Nanalo rin bilang Most Outstanding Filipino Film ang kanyang pelikula na A Very Good Girl.


Sa kabilang banda, nanalo naman si Alden Richards bilang Most Outstanding Film Actor.


Kaagad rin namang nagpasalamat ang dalawa sa mga natanggap nilang parangal sa kabila ng hindi nila pagdalo sa awarding ceremony. Taos-pusong nagpapasalamat umano ang dalawa sa walang tigil na suporta na natatanggap nila mula sa kanilang mga fans.


Samantala, naniniwala naman ang kani-kanilang mga fans na sana ay magkaroon naman ng panibagong project na pagsasamahan ng dalawa dahil bukod sa pagiging matagumpay ng kanilang pinagsamahan pelikula ay pareho ring matagumpay ang dalawa sa kanilang larangan at itinuturing na magagaling na artista sa  kanilang henerasyon.


Ayon naman sa ilang mga netizens, na talagang matutuloy na ang tambalan ngayon ng dalawa dahil wala na umanong  hahadlang nito katulad noon. Matatandaan na kumalat noon ang balitang magkakaroon sana ng sequel ang matagumpay na pelikula na pinamagatang Hello Love Goodbye.


Subalit hindi umano ito natuloy dahil hindi na pumayag si Daniel Padilla na noo'y kasintahan at ka-love team ng aktres.


Tila natatakot umano noon si Daniel Padilla na masapawan siya ni Alden Richards at ngayon tila nagkatotoo na ang kinatatakutan ni Daniel Padilla dahil magkakaroon na ng proyekto sina ang tambalang KathDen.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo