Diego Loyzaga Pinalayas Ang Sariling Anak, Ang Nanay Nito Para Sa Ibang Babae

Lunes, Enero 8, 2024

/ by Lovely


 Kumakalat ngayon sa ilang mga social media platforms ang isyung pinalayas umano ni Diego Loyzaga ang kanyang sariling anak sa kanyang pamamahay kasama ang ina nito para sa ibang babae.


Naging laman ng mga usap-usapan ngayon sa social media ang aktor na si Diego Loyzaga matapos magpakilala sa publiko ang ina ng kanyang anak na nauna nang inamin ni Diego noong nagdaang taon.


Inakusahan pa ni Alexis Suapenco, nagpakilalang ina ng anak ni Diego Loyzaga, ang aktor ng pagmamaltrato sa kanya at sa mismong anak nito.


Sa sunod-sunod na Instagram post ni Alexis, inilahad niya ang pamimilit ni Diego Loyzaga na paalisin siya kasama ang kanilang anak para sa isang babae. Nagkaroon naman ng hint ang ilang mga netizens sa kung sino ang babaeng tinutukoy ni Alexis Suapeng nang i-tag niya sa kanyang post ang babaeng si Cecile Mendoza.


Ayon sa post ni Alexis, nagdesisyon umano ang ama ng kanyang anak na si Diego Loyzaga sa bahay nito upang makapunta na roon si Cecile Mendoza. Isiniwalat din ni Alexis sa kasunod niyang post ang pagbabanta umano sa kanya ni Diego Loyzaga sa hindi pagbibigay ng child support sa kanilang anak kung hindi niya buburahin ang kanyang social media post.


Bukod pa rito, may ilang bagay pang binulgar si Alexis patungkol kay Diego Loyzaga, kabilang na ang mga larawan na nagpapatunay na nagsasama sila noon ni Diego bago pumasok sa buhay nito ang babaeng nagngangalang Cecile Mendoza.


Matatandaan na ikinagulat noon ng mga netizens ang biglaang pag-amin ni Diego Loyzaga na mayroon na siyang anak sa hindi niya ipinakilalang babae noon dahil na rin sa kagustuhan nito na malayo sa showbiz.


Inamin din naman ni Diego na magkasama nilang inaalagaan ang bata na malayo sa mata ng publiko at showbiz upang magkaroon ito ng tahimik na buhay.


Samantala, dahil sa paglantad ni Alexis, kaagad napag-alaman ng mga netizens na isa pala siyang yoga instructor at commercial model.


Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng pahayag si Diego Loyzaga hinggil sa mga paratang sa kanya ni Alexis.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo