Kris Aquino Pinaiyak Si Erik Santos Sa Promise Nito, Erik Di Napigilang Maging Emosyonal Kay Kris!

Miyerkules, Enero 24, 2024

/ by Lovely


 Hindi napigilan ng ilang malalapit kay Kris Aquino lalo na ang mga naging kaibigan nito sa showbiz industry na magbigay ng panalangin at hiling na sana ay gumaling na ito mula sa kanyang mga pinagdadaanan ngayon.


Matatandaan na sa kamakailang Instagram post ni Kris Aquino inamin niya na mayroon na naman siya nadedevelop na panibagong autoimmune condition na mas kilala sa tawag na Lupus.


Naibahagi rin ni Kris Aquino na tuloy-tuloy pa rin ang kanyang chemotherapy na naging dahilan ng kanyang pagiging bedridden.


Hindi naman naiwasan ng singer na si Eric Santos na kilalang malapit kay Kris Aquino ang mapakomento, kung saan inilahad niyang hindi nawawala sa kanyang mga panalangin si Kris Aquino. Noon pa man ay palagi nang nag-iiwan ng mensahe si Eric Santos sa mga post ni Kris Aquino kung saan inilalahad niya ang kanyang panalangin.


Hindi rin naman lingid sa kaalaman ng lahat na noon pa man ay malapit na sa isa't-isa sina Kris Aquino at Eric Santos. Nakasuporta noon si Kris Aquino kay Eric Santos, matapos ang nangyari sa mga magulang ng singer.


Nagpahayag rin ng isang pangako si Kris Aquino para kay Eric Santos, na hanggang humihinga pa siya ay hindi siya titigil sa pagbibigay ng suporta kay Eric Santos.


Sa ngayon ay patuloy pa rin ang pagpapagamot ni Kris Aquino sa kanyang mga karamdaman. Marami naman ang humanga sa katatagan ni Kris Aquino, sa hindi nito pagsuko sa pakikipaglaban sa sakit alang-alang sa mga taong nagmamahal at nangangailangan pa rin sa kanya.


Hiling naman ng mga tagahanga ni Kris Aquino na sana ay tuluyan na itong gumaling at bumalik muli ang dating sigla nito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo