Kathryn Bernardo Muling Nakabonding Sina Dominic Sa Baby Shower Ni Maja Salvador!

Biyernes, Enero 26, 2024

/ by Lovely


 Muling naka-bonding ng award-winning aktres na si Kathryn Bernardo ang kanyang mga dating kaibigan na sina Marco Gumabao, Dominic Roque, Khalil Ramos at Patrick Sugui.


Bukod sa mga ito, nakabonding din niya si Bea Alonzo sa kanilang pagkikitang muli sa inihanda nilang baby shower ni Maja Salvador.


Ayon naman sa komento ng ilang mga tagahanga ni Kathryn Bernardo, na ang mga ito umano ang mga totoong kaibigan ni Kathryn Bernardo.


Samantala, hindi naman na lingid sa kaalaman ng mga netizens na matagal nang hindi maayos ang samahan sa pagitan ng Nguya Squad sa aktor na si Daniel Padilla dahil sa mga unresolved issues nila noon.


May mga nagsasabi pang tila masaya umano ang mga ito ngayong naghiwalay na ng tuluyan sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil naging malaya na umano muli sila na makasama at makabonding ang aktres.


Alam naman umano ng Nguya Squad na si Daniel Padilla ang dahilan kaya hindi nakakarating si Kathryn Bernardo sa kanilang mga bonding moments dahil pinagbabawalan umano ito ni Daniel Padilla na sumasama sa kanila.


Hindi na rin naman umano lingid sa kaalaman nila na noon paman ay minamanipula na ni Daniel Padilla si Kathryn Bernardo sa kung ano lamang ang dapat na gawin nito, kung ano ang mga damit na susuotin, kung anong mga larawan ang dapat na ibahagi sa social media at kung sino-sino lamang ang maaring makasama nito.


Matatandaan na nauna nang ipinahayag ni Dominic Roque na hindi kabilang sa mga inimbitahan niya sa kanyang pagpapakasal ang aktor na si Daniel Padilla dahil hindi na umano sila nagkikita at nagkakausap mula pa noong 2020.


Kinumpirma naman ni Dominic Roque na kabilang pa sa entourage ni Bea Alonzo si Kathryn Bernardo. Dahil dito marami ang nagsasabi na kay Daniel Padilla lamang may isyu si Dominic Roque.


Sa kabilang banda, naiintindihan naman ng ilang mga netizens si Dominic Roque sa hindi pag-iimbita kay Daniel Padilla sa kanyang kasal dahil magiging awkward na umano ito dahil matagal na silang hindi nag-uusap.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo