Daniel Padilla Na Pressure Sa Pag Bawi Ni Kathryn Bernardo Sa Kanilang Mga Ari-Arian

Miyerkules, Enero 17, 2024

/ by Lovely


 Naging mainit na usapin sa social media ang pagpunta ni Daniel Padilla sa ibang bansa nitong nakaraang linggo matapos itong makunan ng video ng isang netizens na inupload naman nito sa social media.


Ayon sa uploader, papunta umano ang aktor sa bansang Dubai.


Ilang araw matapos ang pag-alis ni Daniel Padilla sa bansa, kumalat naman online ang mga post kung saan ibinebenta na ni Daniel Padilla ang isa sa kanyang sportscar na Chevrolet Corvette Stringray C7 na siyang kauna-unahan niyang sportscar.


Kaagad namang kumalat ang balitang, hindi lamang pera ni Daniel Padilla ang ipinambili nila sa nasabing sportscar kundi pera rin ni Kathryn Bernardo. Ayon pa sa mga usap-usapan, binibenta na umano ang nasabing kotse dahil nagbawian na ang dalawa sa kani-kanilang mga ari-arian.


Bukod pa rito, pinaghihinalaan din ng mga netizens na bukod sa pagbibenta ng mga ari-arian, nagpunta sa ibang bansa ang aktor upang makaiwas sa mga isyu na patuloy na binabato sa kanya ngayon.


Matatandaan na mula nang i-unfollow ni Kathryn Bernardo si Daniel Padilla sa kanyang Instagram account at naging sunod-sunod na ang mga cryptic post ng kapatid ni Kathryn Bernardo, naglabasan na ang mga pangalan ng mga naging babae umano ng aktor habang karelasyon pa niya si Kathryn.


Samantala, ayon naman sa aming nakalap na impormasyon, hindi na umano nakakalapit si Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo sa bahay ng aktres dahil hindi na umano siya nito kinakausap sa tuwing pinupuntahan niya ito at sa tuwing walang kamera na nakatutok sa kanilang dalawa.


Kaya naman sa tuwing may mga special gathering ay doon nilalapitan ni Daniel Padilla si Kathryn Bernardo dahil alam niyang hindi magpapakita ang aktres ng masamang ugali at magiging civil ito sa kanya dahil may ibang makakakita.


Hindi rin umano nakatulong ang mga kaibigan at kapatid ni Kathryn Bernardo dahil hindi na nila pinapansin si Daniel Padilla at iniiwas na nila sa aktor. Ang tanging nakakausap na lamang umano ni Daniel ay ang ina ni Kathryn Bernardo na si Mommy Min.


Sa ngayon ay nakakatanggap ng matinding dagok sa kanyang showbiz career ang aktor dahil marami sa kanilang mga fans noon ni Kathryn Bernardo ang tuluyan nang tumalikod sa kanya.


Ito marahil ang dahilan kaya mas pinili ng aktor ngayon na lumayo na lamang upang makaiwas sa stress at pressure dahil sa nangyari sa kanila ni Kathryn Bernardo.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo