Xian Lim Dedma Sa Pasabog Sa Kanya Ni Kim Chiu, Sinagot Na Ang Pasaring ni Kim

Miyerkules, Enero 17, 2024

/ by Lovely


 Unbothered ang Kapuso aktor na si Xian Lim sa kumakalat na isyu patungkol sa isyu sa pagtatapat ng kanilang mga teleserye ng kanyang dating karelasyon na si Kim Chiu.


Nauna na nang nagpremiere ang teleserye nina Xian Lim at Jennylyn Mercado na pinamagatang Love. Die. Repeat nitong lunes. Subalit magsisimula na umano ang kompetisyon sa darating na lunes January 22, dahil makakatapat na nila ang teleseryeng pinagbibidahan naman nina Kim Chiu, Paulo Avelino, JM De Guzman sa Abs-cbn na Linlang.


Marami naman sa mga dating fans ng tambalang  KimXi na galit ngayon sa aktor dahil sa nangyaring hiwalayan nila, ang nagbabanta na ibo-boycott nila ang teleseryeng pinangungunahan ngayon ng aktor.


Nangangamba naman ngayon ang mga tagahanga ng Kapuso actress na si Jennylyn Mercado dahil baka maapektuhan umano ng kanegahan ng career ni Xian Lim ang comeback teleserye ng aktres matapos ang ilang pananahimik nito sa showbiz matapos manganak.


Sa kabilang banda, may ilang mga fans pa rin naman ng KimXi na nanatiling neutral sa hiwalayan nilang dalawa ang nagsasabi na maghahanap sila ng paraan para parehong masuportahan ang mga teleserye ng mga ito.


Samantala, hindi naman lingid sa kaalaaman ni Xian Lim na marami sa mga fans nila ni Kim Chiu ang nagagalit ngayon sa kanya dahil sa nangyari subalit, patuloy pa rin siya sa kanyang pagtatrabaho at dinidedma na lamang ang lahat ng mga natatanggap niyang pambabatikos mula sa mga ito.


Sa ngayon ay abala ang aktor dahil may ginagawa siyang pelikula kasama si Sanya Lopez na pinamagatang Playtime. Ang pelikulang ito ay collaboration ng GMA Pictures at Viva Film.


May sagot rin si Xian Lim sa mga nagsasabing nababaduyan sila sa acting skills nito. Ayon kay Xian Lim, na matagal na niyang tinanggap sa kanyang sarili na hindi niya maaring iplease ang lahat ng mga manonood.


Sa bandang huli nagbigay pa ng mensahe si Xian Lim sa lahat ng kanyang mga bashers, hindi umano alam ng mga ito ang kanyang personal phone numbers kaya naman hindi siya macomfront ng mga ito, Hindi rin umano siya nabo-bother dahil wala naman siyang pakialam sa mga ito.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo