Daniel Padilla Hindi Bibitawan Ng Star Magic At ABS-CBN, Si Kathryn Nalang Ang Aalis

Huwebes, Enero 25, 2024

/ by Lovely

Mariing pinabulaanan ng Star Magic ang talent management arm ng ABS-CBN ang mga bali-balita at isyung aalis na sa puder nila ang kilalang aktor na si Daniel Padilla.


Ilang linggo na ring laman ng mga usap-usapan online ang isyung lilipat na sa ibang talent agency si Daniel Padilla at hindi na ito pipirma ng kontrata sa ABS-CBN at sa Star Magic.


Ayon pa sa mga haka-haka, naghahanap na umano ng panibagong talent agency si Daniel Padilla na siyang hahawak sa kanyang showbiz career matapos ang hiwalayan nila ng kanyang longtime celebrity girlfriend na si Kathryn Bernardo.


Gayunpaman, nilinaw na ng Star Magic nitong myerkules January 24, 2024 na walang katotohanan ang mga nasabing isyu. Sa katunayan ay nakatakda nang pumirma ng panibagong kontrata si Daniel Padilla sa ABS-CBN sa susunod na buwan.


Tuloy na tuloy rin umano ang mga projects ni Daniel Padilla ngayong taon sa ilalim ng kanilang pangangalaga.


Matatandaan na noong April 27, 2023 ipinahayag ni Daniel Padilla sa kanyang isinagawang 'New Movie Alert' ang muling pagbabalik niya sa big screen. 


Una sa ibinahaging update noon ni Daniel Padilla  ang kanyang gagawing proyekto ang psychological suspense thriller na pinamagatang The Guest kung saan makakasama niya rito ang aktor na si John Arcilla.


Maliban sa The Guest may dalawa pang proyektong inanunsyo si Daniel Padilla isa na rito ang pelikulang Nang Mapagod si Kamatayan, hango ang nasabing pelikula sa isang short stories ng librong 'Kung Alam Niyo Lang Ang Gagamitin sa Pelikula' ng National Artist For Film and Broadcast na si Ricky Lee.


Ang proyekto ring ito ang katuparan sa matagal nang inaasam ni Daniel Padilla na makasama niya sa iisang proyekto ang kanyang kaibigan na si Zanjoe Marudo.


Ang pangatlong pelikula na nakatakdang gawin ni Daniel Padilla ay ang comeback movie nila ng kanyang ex-girlfriend na si Kathryn Bernardo. Sa ngayon ay hindi pa malinaw kung matutuloy pa ba ito, matapos ang kanilang paghihiwalay.


Sa kabilang banda, mainit namang pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang usap-usapang lilipat sa talent agency na pagmamay-ari ni Maja Salvador ang aktres na si Kathryn Bernardo para hindi na sila magkasama pa ng aktor sa iisang agency.



 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo