Antonette Gail Del Rosario, Nabatikos Dahil Sa Kanyang Performance Sa Birthday Party ng Anak

Miyerkules, Enero 24, 2024

/ by Lovely






 Inulan ng pambabatikos mula sa mga netizens ang ginawang presentation ng social media perasonality na si Antonette Gail Del Rosario sa first birthday ng kanilang anak ni Whamos Cruz na si Baby Meteor.


Tila proud pang ibinahagi ni Antonette Gail Del Rosario sa kanyang social media account ang kanyang performance kung saan sumayaw siya sa saliw ng isang daring dance.


Naganap ang advance birthday celebration ni Baby Meteor sa Okada Manila. Karamihan naman sa mga bisita nila ay mga kapwa nila social media personalities at vlogger kabilang na sina Toni Fowler at ang Toro Family.


Maririnig naman sa background ng video ang hiyawan ng mga bisita nina Antonette Gail at Whamos Cruz na tila ba tuwang-tuwa ang mga ito sa napanood nilang hot performance ni Antonette.


Maging si Whamos Cruz ay labis ding nag-eenjoy sa paggiling ni Antonette sa kanilang harapan at napapahiyaw pa ito bilang pagsuporta sa kanyang fiancee.


Umani naman ng samu't-saring komento mula sa mga netizens ang nasabing performance ni Antonette Gail, marami ang nadismaya dahil tila ginawa umanong bar ni Antonette ang birthday party ng kanyang anak.


Marami rin ang pumuna sa pagsasayaw ni Antonette Gail dahil napaka-trying hard umano nito. Muntik pa umano itong masubsob at matapilok dahil sa labis na paggiling.


Napansin rin ng mga netizens na mabigat umano ang katawan ni Antonette Gail at dapat itong mag-ingat lalo pa't kakaparetoke pa lamang umano nito.


Nilinaw naman ni Antonette na ang kanyang performance ay para sa kanyang asawa at anak. Ipinahayag pa nito na ito ang una niyang pagsasayaw sa harap ng publiko.


Gayunpaman, nilinaw rin ng mga bashers ni Antonette na ang kanilang pagkadismaya ay hindi dahil sa kanyang pagsasayaw subalit, hindi umano ito tugma sa okasyon.


Narito ang ilang komento ng mga netizens na hindi nagustuhan ang performance ni Antonette Gail.


May mga nagsasabing gusto lamang ni Antonette na palaging bida upang mapg-usapan naman siya ng mga netizens at lalong lalo na ng kanyang mga bashers.


May mga nagsasabi pa na tila sinasadya na umano ito nina Antonette para may mai-content at para magkaroon sila ng maraming views kahit pa mapuno sila ng pambabatikos.


"Di kasi angkop sa birthday ng anak ko sana nag set ka nalang ng ibang scene mo..dapat pang childrens party ginawa nyo marami pang bata nag enjoy hahaha"


"Talaga namang money is the root of evil..dapat piliin maging simpleng Buhay, mga kasiyahan sa Mundo ay dmo madadala sa hukay...kaya wag masyado magpakasasa sa mga bagay na walang kabuluhan wag kalimotan na Ang Dios ay nagbibigay Kong Anong Meron kayo ngaun."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo