GMA Network Nakapila Kay Kathryn Bernardo!

Huwebes, Enero 25, 2024

/ by Lovely


 Matapos kumpirmahin ng ABS-CBN na muling pipirma ng kontrata sa kanilang talent management arm na Star Magic ang kontrobersiyal aktor na si Daniel Padilla, naglabasan naman ang samu't-saring spekulasyon ngayon na baka si Kathryn Bernardo naman ang aalis.


Ayon sa inilabas na pahayag ng ABS-CBN, muling magrerenew ng kontrata sa kanila sa Daniel Padilla ngayong darating na February 2024. Bukod pa rito, ipinahayag rin ng nasabing network na matutuloy pa rin ang mga nakalingyang proyekto na nakatakdang gawin ngayon taon.


Dahil dito, may mga naglabasang mga bali-balita naman ngayon na kung mananatili sa Star Magic at sa ABS-CBN si Daniel Padilla, naiiba naman umano si Kathryn Bernardo dahil handa itong umalis sa Star Magic at i-explore sa ibang network ang kanyang career.


Hindi naman umano ito magiging mahirap para kay Kathryn Bernardo dahil isa siya sa mga A-Lister talent ng ABS-CBN at tiyak na pag-aagawan ng mga networks at talent agencies.


Malakas rin ang mga bulung-bulungan ngayon na lilipat sa talent agency na pagmamay-ari nina Maja Salvador at mister nitong si Rambo Nunez. May mga bali-balita pang interasado rin ang Kapuso network na makuha si Kathryn Bernardo.


May mga nagsasabi pang nagsisimula na umanong nakikipag-usap ang GMA7 kung maari bang mag-over the bakod sa kanila ni Kathryn Bernardo. Kung sakali namang lilipat ang aktres, magiging malaki ito achievement ng network dahil sa laki ng fanbase ng aktres.


Samantala, kung hindi naman sila magkakasundo, balak din umano ni Kathryn Bernardo na maging isang freelance artist.


May mga naniniwala ring lilipat lamang ng talent agency si Kathryn Bernardo upang hindi na niya makasama pa si Daniel Padilla subalit mananatili pa rin siya sa Kapamilya network.


Gayunpaman, sa ngayon ay wala pa rin umanong final na desisyon ni Kathryn Bernardo kung lilipat ba siya sa ibang network o mananatili sa ABS-CBN.


Sa kabilang banda, may mga naghinala rin na ibang path na umano ang gustong tahakin ngayon ni Kathryn Bernardo kung pagbabasehan ang mga larawan na ibinabahagi niya sa kanyang mga social media accounts.


Hinala naman ng marami na tila gusto nang kumawala ni Kathryn Bernardo sa loveteam at magbago na rin ng genre.


Marami naman ang nagsasabi na hindi na kailangan pa nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na magsama sa iisang loveteam dahil kayang-kaya na nilang gumawa ng mga solo projects.


Marami rin ang nagsasabi na mas mabuting may makatambal din silang ibang mga artista dahil karamihan sa mga manonood ay nagsasawa na rin naman na palaging sila na lamang ang magkasama.


Hinihiling naman ngayon ng kanilang mga tagahanga na maging matagumpay pa rin ang kani-kanilang mga showbiz career kahit hindi na sila magkasama.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo