Claudine Barretto Nagsisi Na Pinili Ang GMA Project

Martes, Enero 2, 2024

/ by Lovely

Usap-usapan ngayon sa social media ang isyu ng tila pagsisisi umano ng aktres na si Claudine Barretto dahil pinili niyang gumanap sa isang teleserye sa GMA7.


Usap-usapan ngayon ang balitang dalawang linggo na lamang at magtatapos na ang teleserye na kinabibilangan nga aktres na si Claudine Barreto sa GMA network na Lovers and Liars.


Ang seryeng ito ay isang collaboration project ng GMA7 at Regal Entertainment, isa sa mga cast nito ay ang aktres na si Claudine Barretto. Ang serye ding ito ang nagsisilbing comeback movie ni Claudine Barretto matapos ang ilang taon niyang pamamahinga sa showbiz at sa pagbabalik sa GMA network.


Bukod pa kay Claudine Barretto, kabilang rin sa cast ng nasabing serye sina  Shaira Diaz, Yasser Marta, Rob Gomez, Kimson Tan, Michelle Vito, Sarah Edwards, Polo Ravales, Christian Vasquez, and Lianne Valentin.


Samantala, marami naman sa mga netizens ang nagtataka kung bakit magtatapos na ang Lovers Liar gayung kasisimula pa lamang nito noong November 20, 2023.


May mga netizens na nag-iisip na kaya maagang magtatapos ang isang teleserye ay dahil sa mababang ratings nito at hindi tinangkilik ng mga manonood.


Sa kabilang banda, may mga nagtatanggol naman sa mga teleserye na maagang nagtatapos, ayon sa ilan na mas mabuti nang maagang magtapos ang mga serye katulad na lamang ng mga K-Drama na kadalasan ay nasa 16 episodes lamang. Mas mabuti rin umano ito para magkaroon ng posibilidad na magkaroon ng panibagong season.


Bukod pa rito, maganda rin umano na nagtatapos kaagad ang isang serye upang maiwasan ang pasikot-sikot at redundancy ng mga eksena.


Marami naman sa mga fans ni Claudine Barretto ang nanghihinayang dahil kaagad na tsinugi ang comeback series ng batikang aktres na kilalang magaling sa larangan ng pag-arte.


May mga nag-eexpect pa noon na sana ay tumagal-tagal pa umano ang nasabing serye kahit aabot man lamang umano ito ng mga anim na buwan. Dahil ang teleseryeng kinabibilangan naman ni Jillian Ward sa GMA ay tuloy-tuloy pa rin naman.


Bukod pa rito, inilipat rin ng GMA Network ang serye sa alas diyes ng gabi na kunti na lamang ang nanonood dahil natutulog na ang karamihan.


May tsika naman na tila may pagsisisi umano si Claudine Barretto sa paglipat niya sa GMA7 dahil tila binaliwala lamang ng network ang kanyang galing sa larangan at talagang ginawa pang late night ang kanyang teleserye.


Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng anumang pahayag ang GMA network at ang Regal Entertainment kung bakit kaagad na magtatapos ang kanilang collaboration series.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo