Kazel Kinouchi Kinumpirma Na Ang Totoong Relasyon Nila Ngayon Ni Richard Gutierrez!

Martes, Enero 2, 2024

/ by Lovely


 Nagbigay na ng pahayag ang GMA Sparkle actress na si Kazel Kinouchi hinggil sa pagkakadawit ng kanyang pangalan sa isyu ng paghihiwalay ng celebrity couple na sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez.


Nilinaw na ng Kapuso aktres na si Kazel Kinouchi ang hinala at mga tsismis patungkol sa pagkakaroon nila ng secret relationship ni Richard Gutierrez na naging dahilan kung bakit naghiwalay ang mag-asawa.


Sa isang live, ipinahayag ni Kazel Kinouchi na nagpapasalamat siya sa publicity na dala ng pagkakalink niya kay Richard Gutierrez subalit iginiit niya na wala siyang kinalaman sa naging paghihiwalay nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati. Ipinagdidiinan din niya na hindi siya isang kabit at kailanman ay hindi umano siya magiging kabit.


Ayon kay Kazel Kinouchi, mabubunyag rin sa lahat balang araw ang totoong dahilan ng paghihiwalay nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez. Dagdag pa niyang kapitbahay lamang umano silang dalawa ni Richard Gutierrez kaya naman may pagkakataon talaga sila na magkita at magkasama pero wala umanong malisya ang lahat.


Hiling din niya na sana ay itigil na rin ng mga netizens ang pagtsi-tsismis sa kanila ni Richard Gutierrez dahil gustuhin man niya ang publicity na dala nito, hindi naman umano totoo ang lahat at nakakasira rin umano ito sa kanyang reputasyon.


Sa kabilang banda, inamin naman ni Kazel Kinouchi na malapit silang magkaibigan ni Richard Gutierrez at nagkakausap silang dalawa subalit hindi naman umano ito nangangahulugang may romantic relationship silang dalawa.


Hinggil naman sa dahilan ng paghihiwalay nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez, hindi na umano siya nakikialam roon at wala na siya sa desisyon ng dalawa.


Matatandaan na nadawit ang pangalan ni Kazel Kinouchi sa hiwalayan nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez nang lumabas sa social media ang ilang mga larawan na magkasama silang dalawa. Mula noon ay naghinala na ang mga netizens na bukod sa hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng pamilya nina Sarah at Richard Gutierrez ay ang isyung mayroong third party.


Samantala, sa isang episode ng programa ni Manay Cristy Fermin, isiniwalat nito na si Sarah Lahbati umano ang totoong dahilan kung bakit nagtapos ang pagsasama nila ni Richard Gutierrez bilang mag-asawa.


Napakamaluho umano ni Sarah Lahbati at panay waldas na lamang ng pera nila ni Richard Gutierrez, bukod pa rito si Sarah rin umano ang unang nangaliwa sa relasyon nila ni Richard Gutierrez.


Ayon pa sa mga haka-haka na hindi naman lalaki ang karelasyon ngayon ni Sarah Lahbati kundi isa ring babae. Sa ngayon ay patuloy lamang sa pananahimik si Sarh Lahbati sa kabila ng kabi-kabilang mga isyu na binabato sa kanya patungkol sa nangyaring hiwalayan nila ng kanyang asawang si Richard Gutierrez.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo