Xian Lim May Kapalit Na Bilang Leading Man Sa Puso ni Kim Chiu

Biyernes, Disyembre 29, 2023

/ by Lovely


 Matapos ang tuluyang pag-amin nina Kim Chiu at Xian Lim ng kanilang paghihiwalay, marami ngayon sa mga fans ng aktres ang napapatanong kung sino ang ipapalit ni Kim Chiu bilang leading man sa kanyang puso.


Nitong December 23 dalawang araw bago magpasko, tuluyang ipinabatid ni Kim Chiu at Xian Lim sa kanilang mga tagahanga ang kumpirmasyon sa mga kumakalat na isyu patungkol sa kanilang hiwalayan.


Hindi naman isiniwalat ng dalawa kung kailan sila nagkahiwalay at kung ano ang dahilan ng kanilang hiwalayan na naganap lamang matapos ang 12 years nilang relasyon.


Marami sa kanilang mga fans ang nanghihinayang dahil sa tagal ng kanilang pagsasama ngayon pa umano sila nagkahiwalay.


Sa kabilang banda, marami naman sa mga fans nina Kim Chiu at Paulo Avelino, na naging katambal ni Kim Chiu sa digital series na Linlang, ang nagsasabing baka ang totoong itinadhana ang dalawa at tila nagkakamabutihan na rin umano ang mga ito.


May mga nagsasabi pa na wala naman umanong masaya sakaling totohanin ng dalawa ang kanilang relasyon dahil pareho naman silang single at malakas rin umano ang kanilang chemistry.


May mga nagsasabi pa na wala naman umanong masama rito dahil si Xian Lim naman ang naunang magloko dahil sa mga kumakalat na larawan na may iba umano itong babae na siyang dahilan kung bakit hindi nito maaya si Kim ng pagpapakasal.


Sa ngayon ay masayang nagbabakasyon si Kim Chiu kasama ang kanyang mga kaibigan at para narin tuluyang makapag-move on sa failed relationship nila ni Xian Lim.


Hiling na lamang ng kanyang mga fans na sana mas unahin na ngayon ni Kim Chiu ang kanyang sariling kasiyahan at hindi ang kagustuhan ng ibang tao.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo