Angelica Panganiban May Panibagong Patutsada Sa Ex-Boyfriend Ni Kim Na Si Xian Lim

Lunes, Enero 22, 2024

/ by Lovely


 Hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin sa social media ang dating magkasintahan na sina Kim Chiu at Xian Lim.


Matatandaang ilang buwan rin ang lumipas bago aminin ng dalawa ang kanilang paghihiwalay, dahil dito maraming mga naglabasang spekulasyon patungkol sa totoong sanhi ng kanilang paghihiwalay.


Kabilang na rito ay ang isyung pagche-cheat ni Xian Lim kay Kim Chiu at ang kawalan nito ng plano para sa kanilang future ni Kim Chiu sa kabila ng kanilang matagal ng relasyon.


Samantala, tila may patutsada naman umano ang kilalang bestfriend ni Kim Chiu na si Angelica Panganiban para kay Xian Lim na dating karelasyon nito.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na napakalapit ni Angelica Panganiban kay Kim Chiu kaya naman hindi na kataka-taka na ipagtatanggol ni Angelica Panganiban si Kim Chiu.


Dahil malalim na ang pagkakakilala ni Angelica Panganiban kay Kim Chiu, alam umano niyang nasasaktan pa rin ang kanyang kaibigan kahit pa ipinapakita nito sa telebisyon na maayos at masaya na siya matapos ang failed 12 years relationship nila ni Xian Lim.


Naglabas rin umano ng mensahe si Angelica Panganiban para kay Xian Lim, na sana ay inisip umano nito ang mga pinagdadaanan nila ni Kim Chiu noon. Naiintindihan din umano ni Angelica Panganiban na minsan ay nawawalan ng oras si Kim Chiu dahil sa pagiging abala nito subalit hindi umano ito sapat na dahilan para makipaghiwalay at maghanap ng iba.


Matatandaan na bago pa man aminin nina Kim Chiu at Xian Lim ang kanilang hiwalayan, nauna nang kumalat ang mga larawan ng aktor kung saan makikitang may kasa-kasama itong babae na pinaghihinalaang ipinalit nito kay Kim Chiu dahil abala ang aktres sa kanyang mga showbiz engagements.


Napag-alaman pa na ang sinasabing babae ni Xian Lim ay hindi nagmula sa showbiz kaya naman hindi ito kaagad na kumalat sa social media.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo