Karla Estrada Nakita Sina Daniel Padilla at Kaye Abad Na Nag-Check in?

Miyerkules, Enero 17, 2024

/ by Lovely


 Kumakalat ngayon sa social media ang mga balita patungkol sa mga babaeng nadadawit sa hiwalayan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo kabilang na rito ang aktres na si Kaye Abad.


Ayon sa mga kumakalat na bali-balita mula sa ilang mga entertainment news sites at ilang mga social media platforms, mismong ang ina ni Daniel Padilla na si Karla Estrada ang nakakita sa kina DJ at Kaye Abad na lumabas mula sa isang hotel room.


Marami sa mga netizens ang tumuturo kay Kaye Abad bilang ang KA sa mga naglabasang blind item patungkol sa naging babae ng aktor na si Daniel Padilla at kasamang nag-check in sa isang hotel.


Sinabi rin sa nasabing blind item na mismong si Karla Estrada, ina ni Daniel Padilla, ang nakakita sa dalawa na palabas na sa nasabing five star hotel dahil sinundan nito ang anak sa nasabing lugar.


Matatandaan na na-umpisang maglabasan ang mga babaeng nakarelasyon umano ni Daniel Padilla habang sila ni Kathryn Bernardo nang i-unfollow ng aktres ang aktor kamakailan lamang kasama ang mga aktres na sina Liza Soberano, Gillian Vicencio at Julia Barretto.


Bago pa man ang isyung ito nauna na nang nailink sa pangalan ng aktor ang mga aktres na sina Andrea Brillantes at Gillian Vicencio, subalit hindi lubos akalain ng marami pang pangalan ang maiuugnay sa aktor sa isyung pagloloko niya sa kanyang dating long time girlfriend.


Kabilang sa mga babaeng nadagdag sa listahan ay sina Jasmine Smith, asawa ngayon ni Patrick Sugui na si Aeriel Garcia, Kaye Abad, Vietnamese model na Minh Phoung at marami pang iba.


Sa gitna ng mga usaping ito, naglabas ng mga pahayag ang ilang mga nasasangkot na kababaihan kung saan pinabulaanan nila ang mga isyu, subalit may ilan namang nanahimik na lang dahil ayaw na nilang lalo pa itong lumaki.


Maging ang aktor na si Daniel Padilla ay nanatiling tikom ang bibig sa nasabing isyu, at tila umalis pa sa bansa para makapagbakasyon at patahimikin na muna ang isyu patungkol sa kanya.


Hindi rin naman naglalabas ng pahayag ang celebrity mom na si Karla Estrada patungkol sa isyung nakita niya mismo ang pagloloko ng kanyang anak at nagpasya pang kunsintihin ito at itago ang lahat kay Kathryn Bernardo.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo