Reaksyon Ni Annabelle Rama Matapos Makalbo Ang Kanyang Daughter-in-Law Na Mabait at Masinop

Miyerkules, Enero 24, 2024

/ by Lovely


 Ipinahayag ng kilalang talent manager na si Annabelle Rama sa kanyang recent Instagram post ang kanyang pagmamahal para sa kanyang daughter-in-law na si Alexa Gutierrez na kasalukuyang nakikipaglaban sa kanyang sakit na Leukemia.


Inamin ni Annabelle Rama na labis siyang naaapektuhan sa pinagdadaanan ngayon ni Alexa at halos hindi pa siya makapaniwalang nangyayari ito sa kanyang daughter-in-law na napakabait.


Ipinahayag din ni Annabelle Rama, na bukod sa pagiging napaka mabait na manugang nito, masinop pa ito sa asawa't anak. Dahil matagal rin itong nanirahan sa kanya mula noong magkasintahan pa lamang sila Elvis, hanggang sa ikasal na ang mga ito, nakilala na niya itong mabuti at itinuring nang totoong anak.


Ipinahayag rin niya ang kanyang pagmamahal rito kahit pa hindi niya ito madalas na sabihin, alam din umano ni Annabelle Rama na malalampasan ni Alexa ang mga pinagdadaanan niya ngayon.


Ayon pa kay Annabelle Rama, na huwag mag-alala si Alexa sa pagkakalbo nito dahil siya naman ang pinakamagandang kalbo.


Ipinahayag rin ni Annabelle Rama na hindi dapat mag-alala si Alexa sa kanyang mga anak dahil sila na umano ni Eddie ang bahala sa mga ito at mag-fokus na lamang siya sa kanyang pagpapagaling.


Palagi rin umanong sinasama ni Annabelle Rama sa mga ipinanalangin niya kay Sr. Sto. Nino ang tuluyang paggaling ni Alexa mula sa kanyang matinding karamdaman.


Kaagad namang bumuhos ang samu't-saring komento mula sa mga netizens at mga followers nito, mga mensaheng nagpapahayag ng suporta sa pinagdadaanan ngayon ng kanilang pamilya.


May mga nag-alala pang na-hack ang account ni Annabelle Gutierrez dahil sa sinabi nitong may nagbura sa kanyang naunang post.


"Grabe!!! Baka may nag hahack sa account mo tita. Sayang naman yung post mo kanina ang rami ng likes at yung comment ni @alexaugutz was very touching and sweet. Nawala bigla."


"So touching... pero nakakaloka, sino ang nag-delete ng original tribute post mo for @alexaugutz ? Buti na lang napapalitan mo agad ang password mo. Sayang, very touching pa naman ang comment nj Alexa."


May mga nakapansin naman na kung gaano ka-sweet si Annabelle Rama kay Alexa ay ganoon na lamang din umano ito kainis kay Sarah Lahbati, gayung parehong manugang niya ang dalawa.


Matatandaan na kamakailan lamang ay tila nagkasagutan pa sina Annabelle Rama at Sarah Lahbati sa social media matapos ipahayag ni Annabelle Rama na palaging nagwawaldas ng pera si Sarah Lahbati.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo